New Year’s Resolution


Manigong Bagong Taon sa Lahat!!!

Late na ba? Hindi pa, kahit sa February o sa November naman ako bumati ng “Happy New Year” pwede ko namang gawin yun. Walang pakialamanan, yun ang trip kong gawin. Pero dahil ngayon ay 2008, tapos na ang 2007—syempre. Maraming pagbabago at maraming nais baguhin. Kaya sisimulan ko ang taon at first time ko sigurong gagawin ito, ang gumawa ng New Year’s Resolution.

Hindi na ako magiging mahalay, malibog na lang.
Ako magiging wholesome? Asa kayo dude!

Lagi na akong magsasabi ng totoo.
Kailan ba ako nagsinungaling? Sa sobrang pagsasabi ko nga ng totoo lumalabas lalo ang kahalayan at kababuyan ng pag-iisip ko.

Hinding-hindi na ako manonood ng porn.
Manonood na lang ako ng liveshow. Mas exciting ang mga live!

Hindi ko na titirahin sina Madam Auring, Cristy Fermin, Mahal at Jobert Sucaldito.
Mga naggagandahang babae na lang.

Lie-low muna sa pagiging gwapo.
Para naman umangat ang level ng mga pangit… kahit papaano.

Ipu-pursue ko na ang aking singing career.
Para umulan at mabawasan ang init na dulot ng global warming.

Mas dadalasan ko na ang aking happy time sa banyo o kwarto.
Paraan ito para makaiwas sa prostate cancer.

Hindi na ako magbabasa ng FHM.
Hustler at Penthouse magazines na lang ang babasahin ko.

Hindi na ako magyayabang.
Hindi naman talaga ako mayabang eversince. Ano ba magagawa ko kung inborn na ang aking kagwapuhan at natural akong nuknukan ng sex appeal?!

Magfo-focus na ako sa aking career.
Kakalimutan ko muna ang paghahanap ng aking soulmate at future juwawhoopers. Sila na lang ang kusang lalapit dahil sa tindi ng aking charisma at mouthwatering sex appeal.

At ang huli sa lahat…

Hindi ko tutuparin ang mga nasa New Year’s Resolution ko.
Ano ako timang?

Ay oo nga, timang nga ako!