No, Not Yet!

"Kung sino pa ang gwapo sila pa ang namamatay ng maaga"
-sabi ng isa sa aking ka-opisina tungkol sa pagkamatay ni Heath Ledger

Kagaya ni Rico Yan na pumanaw sa napakamurang edad. Siyempre akong naturally born gwapo, kanasa-nasa at katakam-takam na sex appeal infected sa sinabi niya. Hindi yata ako makakapayag doon lalo't napakabata ko pa at higit sa lahat… VIRGIN PA AKO! Hindi pa ako handang mamatay at iwanan ang mundong ibabaw. Marami pa akong hindi nagagawa sa aking buhay.

  1. Hindi pa ako nakakatikim ng sex.
  2. Hindi pa ako nahahalikan ng torrid.
  3. Hindi pa ako marunong mag-bike.
  4. Hindi pa ako marunong mag-drive.
  5. Hindi ko pa nasasayaw yung Crank That ni Soulja Boy.
  6. Hindi pa ako nakakasakay ng eroplano.
  7. Hindi ko pa nasasakop ang mundo.
  8. Presidente pa rin si PGMA.
  9. Wala pang solo single yung "My Brother" ni Renaldo Lapuz.
  10. HINDI PA AKO NAKAKATIKIM NG SEX.

Kaya hindi ko maaatim ang mamatay ng maaga. Dapat ma-accomplish ko muna ang mga dapat ma-accomplish. Pero palagay ko malayo pa namang mangyari yun. Bakit ko nasabi yun? Kasi masamang damo rin ako. Matagal mamatay ang masamang damo. At isa akong masamang damo, isa akong marijuana.

Sayang naman ang aking kagwapuhan kung papanaw din ako ng maaga, kaya hindi ako papayag. Susuhulan ko si kamatayan para hindi niya kagad kunin ang aking kaluluwa. Kailangan man lang ma-devirginate muna ako bago mangyari yun.

Payag ba kayong mamatay ng maaga ang isang napakagwapong katulad ko?