“Psychological” Diarrhea

Alam niyo yung pakiramdam after ng LBM o kaya ng isang bonggang pasabog sa kubeta? Tapos gutom na gutom ka na dahil feeling mo nadetoxify ang bituka mo. Hindi ka naman makakain kasi nga mistulang alulod lang ang mga pagkain sa iyo; pagkasubo mo ng pagkain diretso kaagad na lalabas sa pwet mo. Pero ang totoo, OK na talaga ang sikmura mo. Nasayang lang ang pagtanggi mo sa libre ng kaopisina sa buffet, o yung pag-iwas sa dessert na tinititigan mo kaninang lunch at yung naibigay mong burger na kine-crave mo pa since last week.

Oo. Binigo ka ng tiyan mo!

Ipinaramdam sa iyo ang akala mong meron pa. Iyong nararamdaman mo ay gawa-gawa mo na lang pala at wala na sa kanya. Iniwasan mo na ang lahat ng alam mong ayaw niya para lang sa ikabubuti niya. Pero ano nangyari? Pinaglaruan ka lang ng isipan mo. Wala na talaga siyang nararamdaman na ganun. Akala mo na lang ang lahat. Sana ginawa mo na lang ang mga gusto mo. Sana hindi ka nagpapeke sa mga nararamdaman mo. Sana hindi ka nagpa-alipin sa mga imahinasyon mo. Sana…

Sana…

Sana talaga hindi na ako naniwala na may diarrhea pa nga ako.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Archives

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com