Solo Flight

Ever since nagsimula akong nagblog, advocate na ako ng mga single, virgin at mga hopeless romantics. RAK ON MGA SINGLE! WOHOO! Kasi sa akin, hindi naman malungkot ang maging mapag-isa—be it for long or short-term. Marami pa rin naman pwedeng magawa kapag nag-iisa.

Be ready to mingle

Walang commitment? Mag-experiment, maglaro at makipag-date sa mga taong gusto. Ilang tap lang sa smartphone ang pag-download ng Tinder, Happn o Grindr. Walang mangyayari sa atin kung nagmumukmok lang tayo sa isang sulok ng kwarto buong araw at nagde-daydream na malalaglag mula sa kisame ang Mr./Ms. Right natin. Go lang din kung “adventure” din ang hanap mo, basta stay safe pa rin dahil baka kung anong sakit ang pwedeng lumapit sa’yo. Pero kung naniniwala ka talagang nasa loob lang ng kwarto mo ang love life mo, subukan mong halikan yang gagamba sa tabi mo baka yan nga ang maging prince charming mo.

Savor the moment

Malungkot magsine mag-isa? Hindi kaya. Mas naiintindihan ko ang pelikula dahil doon lang nakatuon ang attention ko—maliban sa ilong ko na minsan ay puno ng kulangot. Wala akong kahati sa paborito ko at hindi rin ako tataba dahil walang magpapaubos sa akin ng natira niyang pagkain. Wala akong dapat hintayin para lang mapanood ang paborito kong TV series. Wala rin akong aalahaning mga araw ng mga anniversay, monthsary, weeksary, daysary, hoursary at minutesary.

Focus

Mas madaling mag-focus sa mga goals. Mas mabibigyang atensyon ang career, ang target mong timbang, ang magpalaki ng maskels, ang pagtapos sa matinding level sa Candy Crush o ang paglakad ng 10km egg sa Pokémon Go. Although pwede ring maging inspirasyon ang partner mo para ma-achieve ang mga goals na ito, mas kakayanin mong ibuhos ng mabilis at lahat ng panahon mo sa mga nais mo kapag wala itong kaagaw.

Masaya ang may love life. Masaya din ang mag-isa. Masaya ang sex. Masaya din ang magbate. Pwedeng maging bitter pero sana sa umpisa lang. Kung mapait pero wala ka namang ginagawa, isa ka lang mareklamong ampalaya.

Hindi lahat ng love songs sa radyo ay tungkol sa nabigo mong love life. 

Kung matagal ka nang single o kakatapos lang sa isang relationship, hindi pa katapusan ng mundo. Hindi lahat ng love songs sa radyo ay tungkol sa nabigo mong love life. Baka nga pati Oppa Gangnam Style ma-relate mo pa sa sarili mo. Marami pang pwedeng mangyaring maganda at masaya sa buhay mo. Hindi ka nag-iisa sa kwentong ito. 

  • Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng solo performance?

    • billycoy

      Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa basta may chocolates man lang sana. LOL

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Archives

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com