What gym n00bs shouldn’t do

Hello, hello sa inyo kung meron mang nagbabasa sa inyo dito!

Summer na at malamang marami na ang naghahanda para sa kanilang mga beach bodeh. Kaya nga puno lagi ang gym mula January hanggang pagpasok ng summer dahil pinaghahandaan ang LaBoracay. Too bad, mukhang walang LaBoracay this year pero marami pa ring mag-bibeach sa kung saan-saan.

Bukod sa mga aspirants ng beach bodeh, nandyan din ang mga resolutionists noong January. Good job kung ngayong April regular pa rin ang pagbisita ninyo sa gym at nagpapatuloy sa inyong fitness regimen. Isang bonggang fireworks at standing ovation para sa inyo!

Bagamat humahanga ako sa pagkilos nila para ma-achieve ang nais nilang pagbabago, may mga ugali ng mga gym n00bs ang dapat iwasan. OMG, are we still using the word n00b in 2018? Lalo na sa mga nagsisimula na walang trainers.

 

SELFIE

Yes, age of social media na. Facebook, Instagram, Twitter, Vero, etc. Acceptable naman ang pagkuha ng selfie sa gym paminsan-minsan. Root word; minsan. Ok yung for documentation ng progress o natutuwa lang dahil, “Hey look, I’m taking my first step for change. #gymfie #sexybodyhereicome #mybodyisreadyforsummer #mybodyisreadyforwinterkahitwalangwintersapinas” Pero yung pagtambay sa isang equipment o kaya sa harap ng gym mirror dahil sa isang libong kuha ay hindi pa rin makuha ang best angle ay nakakainit ng ulo. Baka mapataon ka sa mga nagda-diet na isang dekadang na palang di nakakain ng malasang pagkain at maisampal pa sa’yo ang pinakamabigat na weight plate sa gym. Kung ang goal lang naman pala sa gym ay makakuha ng isang instagrammable shot, baka dapat sa photo studio na may gym set up ang puntahan ninyo.

 


PAKALAT-KALAT NA EQUIPMENT

Ang mga weight plates, dumbbells, barbells, etc. dapat ibalik sila sa pinaglalagyan nila. Walang sariling paa ang mga yan para bumalik. Matakot ka na kung meron. Para saan pa ang mabigat na binubuhat at madaming sets kung sa simpleng pagbalik lang ng gamit hindi pa magawa. WEAK!!! Baka batuhin ka pa ng dumbbells ng mga nakahithit ng pre-workout sa gym.

 


INTERRUPTION

Wala namang masama kung gustong maki-alternate sa equipment, magtanong ng kung ilang sets pa natitira o kung ano ang paboritong number sa electric fan. Ang mahalaga sa pagtatanong sa gym ay ang timing. NEVER EVER magtanong kapag ang kausap mo ay nasa kalagitnaan ng matinding workout, unless gusto mong makapatay ng tao. For example, nasa gitna ng set ang isang nagba-barbell squat at napatanong ka sa kanya ng isang existential question. Wag ganun. Dahil kung sakaling buhay man ang napagtanungan mo, baka naipulupot ka naman niya sa cable machine.

 


TAMBAY MODE

Hindi dapat tambayan o pagpahingahan ang alin mang gym equipment. Wala ka sa Starbucks. Pati rin ang mga gym towels at water containers, wag ilagay sa equipment na hindi ginagamit. Laging may gagamit ng mga equipment sa mga public/commercial gym. Kapag tapos na, alis na agad at huwag na umupo diyan para maglaro PUBG o pagmuni-munihan ang caption para sa post sa Instagram. Kung mahal mo ang cellphone at ang buhay mo, gawin mo iyan sa waiting area ng gym.

 

Okay lang ang maging baguhan. Pwedeng magkamali at hindi pala alam ang mga ganyang bagay SA SIMULA. Ang hindi okay ay ang maging kupal. Kasi kung beterano na pala sa gym at ganyan pa rin asal, may special place na sila sa impyerno.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com