Matindi ang epekto ng COVID-19 sa buong mundo. Lahat ng normal na nakagawian nabago nito. Lahat ng business at establishments affected. Pati non-existent dating life, nadamay.
Ano pa ba pwedeng mangyari kapag na-lift (totally or partially) na itong mga quarantine at lockdown. Hindi ko kailangan ng mutant powers o kaya sapian ng nuno sa punso para mapredict ang ilan sa mga pwedeng maganap. Most likely, new normal na talaga dahil kahit mai-lift na ang lockdown, hangga’t wala pang siguradong gamot at vaccine para sa COVID-19 may risk na bumalik ito kaya for sure maraming adjustments pa ang gagawin.
Ang mga pwedeng mangyari sa mga opisina
- Mababawasan ang mga open office setup sa mga trabaho dahil sa kinakailangan ang social distancing;
- Dahil mas mahal at nag-ooccupy ng maraming space ang pagtatayo ng mga cubicle at pagkakaroon ng sariling kwarto, mababawasan ang paglease sa mga office buildings;
- Konti lang ang maitatao sa mga opisina dahil nga sa social distancing measures at para ma-fill nila ang kailangang manpower mas magiging laganap ang work-from-home arrangement or telecommuting (Yay!).
- Hindi mo na makikita nang madalas si crush!
Ang mga pwedeng mangyari sa Tech
- Tataas na naman ang sales ng mga laptops dahil sa mga telecommuting arrangements sa mga trabaho;
- Ang tablet computers at iPad mas lalo pang palalakasin para maging laptop replacements na talaga sila.
- Dadami ang mga collaboration at communications app na gagamitin para sa trabaho.
- Magiging in demand din ang telemedicine.
- Mas pa-iigtingin ang research at pag-develop sa mga self-driving cars.
- Papabilisin at papapalawakin pa lalo ang coverage ng internet lalo’t kakailanganin ito para sa edukasyon.
- Ilo-launch na ang OnePlus 8 sa April 14, 2020.
Ang mga pwedeng mangyari sa akin
- Magiging mushy ang pinaghirapan kong maskels. T_T
- Tataba ako dahil kain ako ng kain.
- Papayat ako dahil nagdeplete na ang aking mga maskels.
- Magkakaroon ako ng jowa… pero chatbot lang siya.
- Makiki-Tiktok ako pero isa lang ang view ng mga videos ko.
- Mas mapapadalas ang pagblog ko.
- Tutubuan ako ng makapal na buhok sa ulo.
Muli, tiis-tiis lang muna tayo kahit nakakabagot na minsan. Manatili lang tayo sa mga bahay at palagiang maghugas ng kamay.
See you next year!
Recent Comments