Safest Place on Earth

Posted on November 12, 2007

Ibang safety ang tutukuyin ko. Habang tumatagal ay lalong nagiging delikado ang mundo. Lumalala na kasi ang terorismo, giyera at crimes. Kung maaari lang sigurong manirahan sa ibang planeta matagal na natin itong ginawa. Wala na nga yatang ligtas na lugar ngayon kung tutuusin. Sa kabila ng kaguluhan, bukod sa Antarctica, ang bansa pa rin natin safest. Bakit sa palagay ko ang bansang Pilipinas ang pinakaligtas sa mundo? Ally tayo ng USA at UK Kaibigan din ng bansa natin angRead More

Math Attack

Posted on November 8, 2007

Who loves Math? Sino nga ba ang may gusto ng Math? Malamang mangilan-ngilan lang ang mahilig sa math. Bukod sa chocolates at sa mga sizzling hot chikaboobs, isa rin sa aking weakness ang Math. Isa nga arithmetic sa mga pinaka-dislike kong subject noong elementary at highschool. Hindi ako mahusay sa mga math problems, ngunit di nangangahulugang kamote ako dito. Hindi ako magaling at hindi rin naman ako dakilang tanga sa Math, sinto-sinto lang. Swerte ko nga nu’ng college kasi collegeRead More

Still Alive and Kickin’ Some Balls

Posted on November 5, 2007

I’m back I’m back balakubak! Matagal din pala akong nawala, nagbakasyon muna kasi ako at pinili kong i-isolate ang sarili ko sa media frenzy at mga technological hullabaloos. Nagbakasyon grande muna ang inyong lingkod para naman medyo ma-refresh, mag-recharge at makapag-relax-relax muna sa napakaraming stress na nakaka-reduce ng aking youthful glow. Kaya heto na ako nagbabalik na masiglang-masigla at aroused na aroused! Nasaan nga ba si Billycoy nitong nakaraang linggo at tila naglaho muna sa paningin ng mga uzis atRead More

Wazzupenin’?

Posted on October 30, 2007

Sa mga di ako nakakausap ng personal, alam kong meron kayong nais itanong bukod sa mga kung paano tumatakbo ang makina ng utak ko o kung ano na naman ba ang susunod kong isusulat sa blog ko. Pero may isang tanong na madalas lang ma-overlook at dahil sa dalas ba namang itinatanong sa akin ito sa YM, sa text o sa mga taong di madalas makita ay hindi na ito tinatanong ulit. Minsan ang tanong na ito ang isa saRead More

Explosive Theories

Posted on October 26, 2007

Isang linggo na ang makalipas pagkatapos noong pagsabog sa Glorietta 2. Ang imbestigasyon ay tuluy-tuloy at hanggang ngayon ay wala pa ring resulta. Una, sinabi nilang LPG tank ang sumabog, tapos high explosive tapos naging methane gas na nahalo sa diesel fumes. Kung anu-ano na ang mga teorya nila. Kaya naman ang inyong lingkod ay nagsagawa na rin ng pag-aaral kung paano naganap ang pagsabog sa Glorye. image brought to you by Heneroso’s Multiply. My fault?! Kinausap ko kasi angRead More

Clean Water

Posted on October 23, 2007

Isa sa kadalasang karamdaman ngayon ay related sa stomach problems. Nariyan ang dysentheria, gastroentiritis, diarrhea, constipation, cholera, kabag at mga parasites sa bituka. Kadalasan ang mga yan ay sanhi ng unhealthy at maruming pamumuhay. Isa sa mga hindi tayo nakakasiguro ipinapasok natin sa ating mga bunganga ay ang tubig na iniinom natin. Kaya nga mas madalas ay bumibili na lang ng mga mineral water o umoorder ng purified/ionized water sa mga water station. Heto at may bago na naman kamingRead More

Bombs Away

Posted on October 19, 2007

Yan ang Nagasaki Atomic Bomb Yan naman si Miss Atomic Bomb. Nayanig na naman ang bansa dahil sa bombahang naganap sa Makati ngayong hapong ito, 19th of October 2007. Hindi po ito yung bombahang nagaganap sa mga chipipay na clubs at mga napapanood sa pelikula, heto ay ang pagsabog ng bomba. Walo—as of this time I’m typing this—na ang nabawian ng buhay at mahigit 80 ang sugatan. Naganap ang sinasabing pagsabog sa Glorietta 2, na sa una ay inakalang pagsabogRead More

Pimp my Crib

Posted on October 17, 2007

Grabe, nahihirapan na talaga ako dito sa aming tahanan. Hindi ko na alam kung paano pa ako kikilos dito. Hindi naman siya masikip, sa halip sobrang luwag nga ng aming bahay. Kung pagmamasdan kasi ang bahay namin, simpleng apartment lang. Ngunit di alam ng marami na may basement ang bahay namin. Sa basement nga ng bahay namin hindi aakalaing ganito ang gugulantang sa kanila… Oops, sorry wrong basement. Ganyan kalaki ang basement namin. Nagpasadya kasi kaming magkaroon ng landscape atRead More

Blog Action Day: Let’s Clean Up Our Act

Posted on October 15, 2007

Modern na talaga ang panahon ngayon. Ang daming ipinagbago simula noong lumabas ako sa mundong ibabaw. Akala ko kasi noon hindi na magbabago ang damit noong 80’s na may mga shoulder pads at ang sandamakmak na spraynet sa bangs ng mga kababaihan noon. Dumating ang 90’s, nagbago ang lahat. Matapos akong magsawa kay Pong Pagong—na kamukha kapag may suot akong baseball cap—sa Batibot at sa kakalaro ng G.I. Joe, nauso naman ang mga loose shirts and pants, at pati angRead More

Save the Bacteria Movement

Posted on October 12, 2007

Kung sa inaakala nating lahat na ang ating mga magulang, tito, tita, ditse, ate, kuya, lolo, at lola lang ang ating mga kapamilya at kamag-anak, malaking pagkakamali iyan. Meron tayong long lost relative na matagal na nating di pinapansin kahit pakalat-kalat lang siya sa paligid. Kaya naman, ipinapakilala ko sa inyo ang inyong long lost relative. Isama niyo ang picture na iyan sa inyong family album. Yap, ang Bacteria nga ay kamag-anak nating lahat. Sa theory of evolution, sinasabi ditoRead More