Instant beer, anyone

What is happening to our world now? Lahat na lang yata ay instant na, instant noodles, instant coffee, instant oatmeal, instant juice lahat na lang ng pwede mong isiping instant meron na. Kahit nga mga ulam instant na rin, ready-to-cook na. Pati sexmate nga instant na rin, maraming nakukuha kung saan-saan dyan.

Eh kung magkaaroon kaya ng instant beer o kaya kahit ano pang klase ng alak na gagawing instant. Beer-concentrate in powdered form, that’s a good one. Yung meron pang litro pack o kaya yung mga good for 1 servings. Tiyak na magcecelebrate ang mga tomador kahit saan mang lugar, kahit nasa sasakyan pa. Parang yung sa ad ng nescafe, dala ka lang ng tumbler tapos isang sachet ng instant beer, tapos just shake it with chilled water and Walla! may beer ka na. Ayos di ba? O kaya yung nakatetra- or foil packs pa. You can even bring it anywhere, kahit nasa mountain climbing ka pa. Kung medyo sosyal naman, pwede rin yung mga instant wines or champagnes. Di na kailangang magdala pa ng mabigat na bote kung sakaling dadalhin man kung saan-saan. Champagne on top of Everest, ain’t that cool. Meron ding mga nilalang na mahilig magpapak ng mga instant chocolates gaya ng ovaltine. Gawin din natin dapat sa mga instant liquors yun. Liquors in chewable pellet candies? Wow, ayos yun kahit nasa bus o jeep pwede mong i-take. Para ka na ring nainom sa kalsada, ayos di ba? Kahit nasa biyahe o naglalakad kayo sa mga park, parang nag-iinuman na rin kayo. Celebration kahit naglalakad na lang kayo ng barkada niyo sa baywalk. Pero siyempre kung sakaling magkaroon na ng ganito, ano na ang warning? Siguro ganito na lang:

Drink or Chew Moderately

(Ah kaya pala, di ginagawa ang mga ganito, kasi ang pangit ng warning)

Bakit kaya wala pang nakakaisip ng mga ganitong bagay, dapat nga meron na. Lalo sa fast-paced culture natin.

So ano pang hinihintay niyo inum na… o nguya na!

Give me reply and I'll give you a kiss

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 520 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: