Bad Forecast

Taurus Taurus
Daily extended (by Astrology.com)
You need to take some time right now to prepare yourself for the next several days. Your situation is going through some severe changes, and you probably know what’s going to come down the line soon. There’s no need to worry, though — just make sure your emotional energy is up for the task. Your imagination is coming up with a future that’s far darker and troublesome than what could ever possibly be, so why not start thinking more positively?

Kakatakot naman ng Horoscope ko ngayong araw. Kinabahan tuloy me. What possibly could go wrong this week? Kunsabagay, hindi nga naging maganda simula ng araw ko ngayon. As usual, late sa office. Tapos heto pa. Bumili ako sa canteen ng maja blanca, worth Php8.00, wala akong baryang dinala, inabot ko yung Php20.00 ko, aba!? wala ba namang barya. So bumalik pa ako ng office para kumuha ng barya sa bag ko. Lagi na lang silang ganun tuwing umaga, kapag bumibili ako ng biko at maja blanca lagi silang walang barya. Siguro kung 8:00am pa ako bumili sa kanila, gets ko pa na wala silang barya, ang kaso 10am na ako bumibili. Probably, meron na sila, kasi they offer breakfast meals, so medyo imposible yatang wala silang barya. Para silang mga dyip na “Barya lang po sa umaga”. Sana nga magpaskil na sila ng ganung karatula. Minsan nga, nakakalimutan ko ng ibalik yung bayad sa kanila, sa ganung sistema nila. Mabuti na lang, naaalala ko kaya binabayaran ko rin sila kinabukasan. Dapat talaga di ko na binabalik yung bayad sa kanila.

Ngayon, gets ko na ang horoscope ko. Kasi sabi “…and you probably know what’s going to come down the line soon…” Every morning bibili ako sa kanila ng maja blanca at biko at lagi silang walang barya at mabuburyo ang araw ko. Syet naman oh!

Isa lang ang masasabi ko sa kanila, ang laging sinasabi ng dad ko:

SISTEMA NIYO!

Give me reply and I'll give you a kiss

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 520 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com