Who is the Chosen One?

Nitong kailan lamang ay sinugod ako ng mga mananampalataya ni Juday o mga member ng Judayismo. Laking gulat ko kasi may dalawang dilag ang kumatok sa aming pintuan at ako raw ang sugo ng kanilang panginoong si Juday. Sa una nga akala ko, mga aplikante para sa pagiging housemaid namin, papalayasin ko na nga sana kasi sa hitsura pa lang, siguradong di na sila papasa. Syempre, nagulat ako, kasi kahit minsan hindi ako naging fan ni Juday. Ako pa nga raw ang magliligtas sa mga tagasunod ni Judy Ann. Tinanong ko sila kung paano ako naging chosen one ng nasabing pananampalataya. Ang sagot naman nila, kinunsulta nila ang mga starsigns at ng mga manghuhula sa Quiapo. Nagpatawas na nga rin daw sila para ikompirma at ako nga raw ang lumabas. Pero para daw ma-assure nila na ako nga ang kanilang sugo, kailangan matapos ko raw ang mga misyon na ito:

  1. Paghiwalayin sina Juday at Ryan.
  2. Ibalik ang tambalang Wowie at Juday.
  3. Gawing National Anthem ang Esperanza o di kaya ang Mara Clara.
  4. Ipalaganap ang Judayismo at ito lang ang kikilalaning relihiyon sa buong mundo.
  5. Gawan ng rebulto at simbahan sa ngalan ni Juday.
  6. Mapatalsik ang Santo Papa sa Vatican at ibigay ang upuan kay Juday.
  7. Ang Vatican ay gagawing bansa ni Juday at papangalanang Judaia.
  8. Puksain si Julens at ang mga miyembro ng organisasyon niya.

Nangyari na sa akin ito noon, mga miyembro naman ng JOLOGS (JOLina Organization ang Groups System) ang lumapit sa akin at gagawin naman daw akong Presidente ng nasabing orgy… org pala. I declined the offer, kasi naging mag-un sina Marvin at Julens noon although inaamin ko na naging krash ko talaga si Julens noong Grade 4 ako. Tapos nga nun nawala na ang paghanga ko sa tinatangi kong si Julens. Pero ngayon, parang krash ko na ulit siya, kasi bago na ang hairdo niya, short hair na ngayon. Tawagan ko na nga yung mga oposisyon sa loob ng JOLOGS para ma-impeach na yung current president nila at ako na ang pumalit dun.

Ano ba ang meron sa akin at ako ang kanilang napipisil sa mga samahan nila? Ordinaryong mamamayan lang naman ako sa patapong lugar ng makasalanang bayan ng Pasay. Baka malakas lang talaga ang sex appeal!!!

Warning: Ang mga sumusunod na videos ay pawang nakamamatay. Mag-ingat!!!

14 Replies to “Who is the Chosen One?”

  1. panghent says:

    hahaha!

    hello! šŸ˜€ ang hirap naman ng kailangan mong tapusing misyon bago mapatunayang ikaw ang chose one..hehe

    baka pala peyborit ka nila kasi may utang ka dun sa mga manghuhula sa quiapo kaya ikaw ang tinuturo lagi. hoho! šŸ™‚

  2. panghent says:

    chose one nakanam..chosen po! haha

  3. garytarugo says:

    wag kang papayag! kapag natuloy ang plano ng mga alagad ni juday, puro siopao lang ang kakainin natin araw-araw. gusto mo ba yun ha?! HA?!

  4. CeEjAy says:

    asteeg..
    hehe.. wla naman masyadong fans ni juday sa amin kaya tahimik pa ang lugar namin so far..
    hehe..

    ganda ng video ng ok go ha.. naelibs ako dun sa threadmills.. heh..

  5. hahaah! nakakaloka naman tong post mo.. šŸ˜› i love it! šŸ˜›

  6. Anonymous says:

    IKALAT ANG JUDAYISMO!

    Teka, wala bang KRIStiyanismo? Hahahahaha!

  7. blueengreen says:

    ako ang nag-utos sa aking mga alagad upang ipaalam sa iyo na ikaw ang sugo… humayo ka at gawin ang misyon… malayo ang iyong mararating… nyahahahahaha

    siguro kaya idol ng mga tsimay si jolina at juday kasi they see themselves in their persona… hahahaha….

    at announcement lang : si juday ay di na siopao… isa na siyang puto… nanggaling na mismo sa bibig nya sa isang patalastas sa radyo, “si juday puto….para maiwasan ang sakit ng ulo….uminom ng blah blah”….

    mabuhay ang mga tsimay!!! mabuhay sina jolina at juday!!!

  8. blacksoul says:

    im not a fan of juday pero tawa ako ng tawa doon sa “dito sa puso ko”.sana naman magtigil na yung mga ad campaign nang mga yan dati kasi nagaral akong AMA,jolina fanattic daw.

    Ang dami naman kasing puwede eh//

  9. Anonymous says:

    susuportahan kita kung anu mang adkhikain sa buhay…

    pero baka magkalaban tayo dahil ako BEA John loyd forever!

  10. yEaHrEd! says:

    haha! nakakatawa naman ‘yung post mo! kahit medyo “eeww” sa akin ‘yung topic, sobrang nakakatawa siya talaga! haha! šŸ˜€

  11. jeniffer says:

    ibang klase din mga post mo ahh.. hehehe.. nakakadami ka na ah.. ui link muna ko..

    http://www.walongbote.co.nr

  12. karlee says:

    laughtrip to ah? XD

  13. utakgago says:

    ang alam ko, nag-comment na ko dito!

    DI PA PALA.

    grrrrrr.

    JUDAYismo is sooooo weird. Talagang sinusuportahan si Juday ha! Lolz naman.

    Lahat ng tao, nangangarap maging artista pero kahit kailan, mukhang malabo mangyari yun..

    Boogsh.

    >:) ikalat ang Judayismo! Gudlak! šŸ˜‰

  14. Isaiah says:

    wahahaha nakakatuwa naman tong post na toh!!! maka-julens din akow wahahah;-p Super!

Give me reply and I'll give you a kiss

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 504 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: