The Golden Post: A Look at the Ball

“Gold, Always believe in your soul”
-Spandau Ballet na naging favorite ng late Princess Diana

Heto na pala ang tinagurian kong Golden Post, ika-50th post ko na kasi itong entry. Kaya’t wala munang kokontra!

———————————————————-


Dito sa building na pinagtatrabahuhan namin, may isang office na very mysterious talaga. Madilim yung office, pero makikita naman from the corridor ang receiving room kasi clear naman ang mga salamin nito. Sa receiving area nito, merong mga sofa at coffee table, sa ibabaw ng coffee table, merong bolang kristal. Habang naglalakad ako sa corridor, napahinto ako sa harap ng opisinang ito. Napatingin ako dun sa bolang kristal, tapos habang tinititigan ko parang nagiging foggy ang loob ng crystal ball. Umiikot ang mga ulap sa loob nito, siyempre sa curiosity ko, lumapit ako tapos nagkaroon ng kakaibang pakiramdam sa aking dibdib, katulad nung nakasakay sa Rollercoaster na biglang bubulusok sa mataas na riles. Ganun ang pakiramdam. Nadeform ang aking katawan at hinigop ako papunta sa loob ng crystal ball.

Pagkamulat ko ng aking mata, mausok ang paligid. Akala ko may nagpa-pot session. Sa di kalayuan may naaninag akong anino. Hindi naman mukhang jamaican na nakadreadlocks. Nilapitan ko yung anino at sa aking gulat nakita ko ang hindi inaasahang nilalang…

Si Manang Bola nakaupo at mayroong lamesang may cover ng katulad nung sa mga manghuhula. Nagtanong ako “Nasaan po ako?” Pinagmamasdan ko ang paligid ng sumagot bigla itong si Bola “Obvious ba, nandito ka sa loob ng bolang kristal!” Natameme na lang ako. “Since nandito ka na lang din hijo, magtanong ka na lang” sabi niya. “Sige po… ano ang future ko after 50 years?” tanong ko naman. “Yun lang ba? teka kokunsultahin ko muna ang bolang kristal” ang tugon ni Bola habang humihithit ng yosi na parang DJ Mix yata kasi amoy Green Apple ang paligid, “Perlas na bilog, huwag tutulog-tulog, sabihin kaagad sa akin ang sagot, Baa, BeBi, BoBuuu!!!” Sa pagbanggit niya ng mga huling kataga, umikot muli ang usok na nakapalibot sa amin, parang ako’y nahihilo, naduduwal, nahahigh… hindi… orgasm!!!

Paghupa ng usok, lumiwanag ang paligid, nagulat ako kung nasaan ako. Nasa loob ako ng koral ng baboy!!! Yakk! Nakita ko mga anak ko, may batik, may brown, may itim at iba pang colors. May lumapit sa aking baboy, may batik sa mata, parang dalaga yata o esmi ko, nagsalita siya “Squeak, squeak, squeak squeak?” Sumagot naman ako in a husky tone “Squeak squeak, squeak squeak squeak!?” Tapos maya-maya pumatong na lang ako sa likod niya… di ko naman na siguro kailangan pang idetalye ang mga ginawa namin. Pero ang tagal ng aking orgasm, umabot sa 30 minutes, nakakahigh talaga. Napapikit at napasigaw na lang ako “SQUEEEAAAKKK!!!”

Bumalik ulit ang usok sa paligid sa pagmulat ng aking mata, may narinig akong nagmo-moan! Oh syet! Si Manang Bola, nag-aano gamit ang fenk glow-in-the-dark Dildo! Eww ang kakasulasok tingnan. Sinita ko siya “Ano ba manang Bola, nandito pa ako, ginagawa mo na yan, kadire ka!” “Ay, nandyan ka na pala hijo, pasensya na, na-arouse kasi ako habang pinapanood ko kayo” sagot at biglang tinago ang dildo. “Anyway, nagkamali pala ako, hindi mo pala future yun. Yun yung past life bago ka naging tao ngayon.” patuloy niya. “Huh? Baboy ako nung past life ko?” ang reply ko. “Oo, pero wag kang mag-alala, mga 5 years ka lang naman nabuhay, kasi kinatay ka kagad. Pero, amazing ang orgasm ng baboy ano, 30 minutes!” sabi ni Bola. “Naging kuneho ka rin bago ka naging baboy, dinagit ka naman ng agila pagkatapos mong pumopoy sa esmi mo… pero heto, ipapakita ko na sa iyo future mo.” “Buti naman, kaysa maubos ang oras ko dito.” ang epal ko sa kanya. Nag-chant na ulit si Manang Bola “Perlas na bilog, huwag tutulog-tulog… Ba bebi, bobuuu…”

Humupa muli ang mist sa paligid, nasa loob na ako ng isang malaking opisina. May malaking table sa aking harapan. Nakaupo na rin sa isang mataas at pang may posisyon na office chair. Abot-tanaw sa aking malaking bintana ang lupain ng Ayala. Presidente na ako ng isang malaking kumpanya ng bugawan na kinikilala di lang sa ating bansa pati na rin sa buong mundo. May mga plaque ako sa pader: “World’s Known Pimp – Guinness” “Pimp Awards 6 times Hall of Famer” at kung anu-ano pa. Maya-maya may pumasok na seksi at kaakit-akit na babae, tinanong ko siya “Nasaan ang aking pamilya?” Sumagot siya na parang nagulat at halos atakihin sa puso “Sir? Pamilya!? Don’t you remember? You’re still a virgin!!!” Hindi ko kinaya ang mga sinabi niya, naramdaman kong gumuguho ang building, nababasag ang salamin, di ako makakilos. Nagbibitak-bitak na ang mga sahig pero di ko pa rin alintana. Gumuho ang building… nilamon ako ng kadiliman.

Minulat ko ang aking mata, maliwanag. Nandito na ako sa harap ng misteryosong opisina. Nandun pa rin ang bolang kristal, wala na ang fog sa loob. Bumalik na ako sa office at napaisip sa naranasan ko.

Ano mas pipiliin ko, isang past-life na baboy na may 30 minutes orgasm o future na asensado pero virgin pa rin? Buhay pa kaya ang mga descendants kong baboy o nakain ko na sila?

23 Replies to “The Golden Post: A Look at the Ball”

  1. Tutubing says:

    ehhHe! desisyon moyan! kung kaya mobang mag ka anak ng may batik batik nyahahhah!

  2. yatot says:

    “…the delivery of lines is very profound, so pure… full of elegance and excitement” — New York Times

    “It made me cry and laugh and cry and laugh and you got the picture… billycoy’s work of art has maximized its minimalism…”
    — Washington Post

    “…a masterpiece of pure satirical yet up-to-date political inuendos… “The Golden Post” deserves a golden statuette…”
    — Mang Tibur

    “Two Thumbs Up!” — Jessica Zafra

    “Billycoy’s attempt to merge the sexual fantasies and real-life situation of a horny puppet and himself made “The Golden Post” a well deserve standing ovulation este ovation…” — yatot

  3. manilenya says:

    hindi ka ba nagsusulat sa dyaryo?
    sa Abante? o sa kahit anong tabloid? hehehehehehe wala lang tanong ko lang lol! di naman ikaw si XereX na nung nawala daw sa Abante e nagblog na lang? wahehehehehe

  4. Hermie says:

    Wow! Nakaka-mezmerize basahin. I can’t stop. Great Job! Pa-exchange link naman. Pwede?

  5. bananas says:

    hay nako…magpasalamat ka na lang at baboy ka sa iyong past life at hindi kaning-baboy.

    o yong pagong na nagtatampisaw sa kaning-baboy.

    pasalamat na lang…

    c(@_@)c

  6. Hindi. Isa kang bulate. Bulate sa aking tiyan. Naka-ilang incarnations ka na siguro.

    Grabe ka naman. Pinaalala mo na naman sa kin si Manang Bola. Matapos niyang pa-cornyhin ang PBA, aargh.

    Hindi na virgin ang kamay mo, oy. O baka kamukha mo yung baboy kaya ni 3 seconds hindi ka pa nagkakaorgasm.

  7. the Whore says:

    *speakless*

  8. chino says:

    napakatindi ng iyung adjectives a..hehehehehe.. happy 50th post!

  9. whahahahahaha no comment na lang pwede?

  10. Dos Ocampo says:

    Si Manang Bola, nag-aano gamit ang fenk glow-in-the-dark Dildo!

    Sa mga lines na yan nailuwa ko ang mga kinakain ko sa katatawa… hahaha!!!

    pero choice mo yun, pwede rin, baboy na may tocino businesss……………………..

  11. Kiro says:

    WAW ang haba… mas mahaba pa dun sa isa…
    sandale makapag popcorn muna… ahehehe
    btw eto lang pagkakaalam ko… 30 minutes tumatagal and orgasm ng baboy hahahahha

  12. L.A says:

    wahaha leche ka! kaderder yung fenk dildo ni manang bola wahaha! nice maganda talaga ang mga blog pag my sexual features haha! dun k n lng sa mga baboy oks n oks dun libre p kainmo hehe!

  13. naguguluhan ako kung ano maganda sa dalawa eh.. choice mo yan bahala kana lang, wahahahha 😀

    congrats naka 50th post kana 🙂

  14. hahaha ang cute ng story.. pero kung ako papipiliin :-s papakamatay na lang ako.. wahaha joke lng

  15. Rob Ruiz says:

    ang pipiliin ko ayisang future na asensado pero virgin parin! *kidlat*

  16. Isaiah says:

    aaahm ! sa tingin ko din ay virgin na lang. Kasi pagmarami kang datung maraming babae ang magkakandarapa sayo. Ganun naman kasi talaga ehhh!

  17. burkyboy says:

    hmmm. a pig?

  18. i lost my virginity at thirteen. if i were in your shoes, and i’d waited as long as you did, i know that my choices are not limited to being a pig or being deprived. sayang hindi nakita ni manang bola. you can actually choose love. AND THEN lose your virginity to that person. sure, you’ll probably fumble and perhaps the world will think of you as an idiot. but maybe not. in our heart of hearts, we will look at you and see a miracle. because we’ll never have that. sa loob-loob namin, sasabihin namin sa iyo – you lucky bastard you. the waiting inspires.

  19. potster says:

    lokah ka tlga.. kaht keln.. hahhaah.. golden na ang iyong blog

  20. richard says:

    heheh.. hanep ng pagkasulat.. pinawisan ako dun.. hehe..buti di na pumasok sa bola yung baboy. nyahahaha!

    happy 5oth post…

  21. jeniffer says:

    hahaha.. aba may tagahanga na itong si billycoy! yeahhh humahataw! pagpatuloy ang magandang pagsusulat.. 🙂 at nga pala, I believe in tarot card reading but I’m afraid to read my future.. 🙁

  22. jo says:

    i go with the second one…

    “future na asensado pero virgin pa rin”…

    haha… ^_^

  23. Anonymous says:

    waw ah! ang hahaba naman ng posts mo! waihihihi baboy ka nga dati! pati, weight mo pambaboy! wahihihii tumataba ka na billycoy

Give me reply and I'll give you a kiss

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 504 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: