Blasted Bang for the Boar’s Year

Terible ang pagkawala ng internet ng ilang araw. Aba pati yung kapitbahay naming canteen hindi nakapagserve ng sandwich dahil sa pagkawala ng internet. Malay ko ba kung ano kuneksyon ng sandwich sa internet, baka dina-download pa nila ang mga pagkain through the net.

Malapit na ang bagong taon, kung noong pasko wishlist, ngayon ready na ang mga New Year’s Resolution. At wala akong pakialam dun at hindi yan ang ilalagay ko ngayon. Heto na naman at mauuso na naman ang mga paputok, may putok at mga nagpapaputok sa mga motels at kwarto. Uso na rin ang torotot, baklang tumotorotot, asawang nanonorotot at mga lalaking umuutot. Ngayon din nauuso yung mga boga at bugawan sa kalye.

Kagabi ba naman, may nagpaputok ba naman sa loob ng bahay namin. Hinagis nung teenager yung paputok sa loob ng bahay. Syempre nagulat ang mga taong nasa loob ng bahay, at dahil sa lahi kami ng highblood hindi nila napigilang maging green at lumaki at habulin ng mga kasambahay ko ang batang nagpaputok. Buti na nga lang wala ako sa bahay ng naganap na iyon dahil ako’y nasa gym at kumakain ng weight plates para sa muscles ko nang mga sandaling iyon. Kung nasa bahay ako siguro sa kaganapang iyon aba humanda sa akin ang batang iyon dahil ako’y magkakakaripas ng takbo sa aming kwarto at magtatago sa ilalim ng aming kama. Nadatnan ko na lang ang mga kasama ko sa bahay at gumagawa ng eskandalo para turuan ng leksyon ang nahuling bata na nagpaputok. Syempre ako, di naman mahilig makigulo kaya diretso na lang ako sa bahay at nag-shower na lang samantalang sila nag-iingayan at nagbabalitaktakan sa labas.

Dahil sa paputok na iyon, nakapagdevice ako ng safer plans para sa bagong taon na magaganap. Kailangan siyempreng mag-ingay, at malamang na di niyo magagamit ang inyong mga kaldero para kalampagin dahil may mga lamang mga pagkain yun. Unless itatapon niyo muna ang nakalagay dun. Pero may iba pa namang way para talaga makagawa ng kakaibang at totoong ingay sa bagong taon.

  1. Ilang minuto bago sumapit ang bagong taon, asarin o gumawa ng nakakainis na bagay at kalokohan sa harap ng nagger na magulang o juwawhoopers niyo. For sure na bubungangaan kayo nila pagsapit ng bagong taon, di ba masaya ang maingay?
  2. Kumuha ng pardible, karayom o kaya toothpick at itusok sa mata ng katabi niyo. Mag-iingay yun sa kakangawa.
  3. Magpaputok sa loob ng kwarto. Siguro naman di ko na kailangan pang magdetalye. Basta gawin niyo na lang wild ang gabi niyo para maligayang ingay ang gagawin niyo. “Oh Yes, Who’s Your Daddeh!?”
  4. Ano silbi ng putok kung mahinang ingay lang naman ang gagawin niyo. Magpasabog na lang di ba? Magpasabog kayo ng kotse o kaya gas station. Kung medyo realistic naman, bumili kayo ng LPG at ilagay sa gitna ng kalsada at pasingawin kasabay ng mga nagpapaputok sa labas. Malaking pasabog ang magagawa niyo lalo na sa media, dahil mababalita kayo. Exposure din yun!
  5. Kumain kayo ng kamote, papaya, mani at kung anu-ano pang rich in fiber pati na rin dairy products ilang oras bago ang bagong taon. Pagsapit ng bagong taon, gagawa din kayo ng ingay sa loob ng banyo.

Marami pang ibang paraan sa pagsalubong sa bagong taon. Pero sabi nila kung ano daw ang mga ginagawa mo sa bagong taon yun ang kapalaran mo the whole year. Kaya kung di ka pa naliligo bago ang alas-dose ng New Year ay buong taon kang hindi makakaligo at mangangamoy. Kapag may sipon ka sa bagong taon, babaha ng uhog saan ka man magpunta sa loob ng taong darating. Kung hindi masaya ang sex life mo sa New Year, expect mo na ring masalimuot ang kapalaran ng genitalia mo. Kaya kung anuman ang gagawin niyo sa Bagong Taon better be good, dahil kung hindi, baka kalunus-lunus at baka mabagsakan pa kayo ng meteor sa langit. We make our own path, theory lang naman yan ng dakilang Mang Tibur, wala namang masama ang maniwala kayo sa kanya, malay niyo… wala lang.

Basta, Maligo kayo sa Bagong Taon!

7 Replies to “Blasted Bang for the Boar’s Year”

  1. Talamasca says:

    Thanks for the nifty plans and ideas. Ma-share nga sa iba. But as for me, I’d take number 3, puhlease.

    Happy New Year! Wag kalimutang tumalon para tumangkad… or something shitty like that. Pfft.

  2. the Whore says:

    well, masaya ka talaga magpost!

    nakakatawa!

    anyways, have a wonderful year ahead!

  3. chino says:

    ibig ba sabihin e dapat pagsapit ng alas dose sa a-uno e may kasiping ka para sumaya ang iyung buhay-makamundo?..nyahehehe.. nyhoo.. merry new year!! 🙂

  4. Virginia says:

    natatawa naman ako sa post mo! buong time na binabasa ko eh nakangiti ako o kaya ay tumatawa mag-isa! at nalalaman ka pang juwawhoopers!

    siguro, number 1 lang muna kaya kong gawin…

    happy new year sayo!!!

  5. blueengreen says:

    hehehe… sice takot ako sa paputok…. pero gusto kong mag-ingay…. at naniniwala ako sa u (hehe)…
    gagawin ko ung number 5. pero hindi sa loob ng banyo… kasi kapag sa labas ng banyo ko gagawin … mangyayari rin ung number 1…. hahahahaha… mas maingay un….

  6. sorrowful says:

    happy new year! uhm, anu ba? Baka nga mangawawa ang genitalia ko. Ayun, siguro tatalon na lang ako sa bagong taon para tumangkad. Sige, paalam po, ginoong makisig. Hehe, peace out.

  7. Japboy says:

    gs2 q mn2sok ng mta
    gmt ang tutpik sbay subo
    ksma ung mga optik nerve
    mmm. srap ng media noche q

    dangsama ko nmn qng ggmit
    aq ng lpg sa pgpppu2k kc
    mrming pips ang dedbols

    ikw nkgwa k n b ng mga plnong
    gnwa m?

Give me reply and I'll give you a kiss

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 520 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: