The Sound of Silence of the Lambs

New Year sa amin masyadong tahimik. Nakakamatay ang katahimikan. Kung sa ibang lugar halos mabingi ka na sa ingay ng mga gabombang sumasayaw sa ibabaw ng lamesa, gabombang mga paputok mula sa mga kili-kili ng mga lasenggong nagpapaputok ng kanilang mga labentador at mga boga, sa amin ay tahimik. Kahit nga yata ang mga kuliglig hindi nagpipiyesta at nag-iingay nitong bagong taon.

Ang weird pa dun, kahit mga kasamahan ko dito sa house ay tahimik din. Parang magkakagalit at nananahimik lang sila. Nagcelebrate naman kami sa pagsalubong ngayong New Year. Sarap nga ng handa namin, yung Rebisco Crackers na may strawberry filling at Lipton Tea. Engrande ang Media Noche namin at alam kong mamatay-matay na naman ang mga kapitbahay namin sa inggit, palibhasa kasi ang handa nila ay asin at asukal lang.

Pero bakit ganun ang tahimik talaga. Kahit sarili kong boses hindi ko rin marinig, it’s freaking me out na. May mga nagpapaputok sa labas lalo nung sumapit na yung 12mn, pero bakit ganun walang sounds. Tsinek ko nga yung stereo namin baka kasi naka-mute at naapektuhan ang ingay sa labas. Hindi naman. Kinapa ko ang mga tenga ko, pagkasundot ko sa butas, ay syet talaga. Ang kapal na pala ng aking tutuli, pulang pula at malagkit. Naalala ko, five years ko na palang hindi nalilinis ang aking ears, yak talaga. Buti na lang merong cotton buds at baby oil sa bahay at hayun, umayos na pandinig ko. Kaso tapos na ang putukan, kaya ako na lang ang nagpaputok sa mga palad ko.

Useful naman yung tutuli ko, at least ngayong taon makakatipid na ako sa hairwax!

13 Replies to “The Sound of Silence of the Lambs”

  1. Ewww. Yuck.

    Ako rin, bihira maglinis ng tutuli ng tenga. Pero hindi naman ganyan kagrabe… like, ugh… seeing that sharp-stinging stench from a brown lump coming from my tenga is… ugh…

    (teka, parang ang laswa ng ugh ko…)

  2. utakGAGO says:

    Ewwwwww. Yuck.

    Pwede mo ring gamitin yun para sa sahig. Malay mo, kumintab.

    😉

  3. Anonymous says:

    ahahah kadere!

  4. Anonymous says:

    ganda ng blog na ‘to. kadadaan ko lang sa http://youdiehard.blogspot.com dun ko yata nakuha ang blog mo.

  5. Rob Ruiz says:

    hahaha! omg! pwede mong gamiting spread yan! dagdag fillings dun sa rebisco mo! :))

  6. chino says:

    ang attractive naman..hehehehehe.. 🙂

    siguro yan ang mga pick-up loine mu nuh Billycoy.. “Miss..samahan moko.. magtutulihan tau”..nyahahahaha!! 🙂

    anyhoo…happy new year!! 🙂

  7. irish says:

    haha ngaun mo lang napansin na puno na ng tutuli yan?? 5 years na naku ansrap mo pala mag-alaga e,,

  8. L.A says:

    YUCKKKKKKKKKKKKKK! THAT IS SO KADIRI! TSK TSK! HAHA! PEDE DIN YUNG CANDLE LIKE SA SHREK! HAHA

  9. Kiro says:

    eww kadire!
    hahaha…

  10. sorrowful says:

    wow,5 years? kulay red? aba, pwede mo nang ihalo sa tea mo, meron ka nang red tea, hindi mo na kailangan pumunta sa tokyo tokyo, lagyan mo na lang ng yelo, solb na! hehe.

  11. Talamasca says:

    That’s just bloody gross.

    Nagtaka ako at first, kasi, hello? Pasay? Tahimik? Puputi muna ang mga uwak bago tumahik sa Pasay kong mahal. Hehe.

    Have a great year ahead! Oh, and, I love the new header! Weeeee!

  12. Marya says:

    uh.. 5 years? buti di pa barena ang pinangtanggal mo? Hehe.. in fairness gumana pa ang cottonbuds ha.. shucks.. whew!

    anyway,ganda ng bagong header mo! 🙂

  13. happy new year billycoy

Give me reply and I'll give you a kiss

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 520 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: