Crying is Not Enough

Malapit na talaga katapusan ng Pilipinas. Kung mga artista nagiging politiko, ang mga politiko naman nag-aartista. Napanood niyo na ba yung audition tape ni Manay Tessie? Hindi ko nga alam kung anong talent search ang sasalihan niya, kasi tapos naman na Starstruck at wala naman na yung Star Circle Quest. Saka kung sakali mang meron pa, nangangamoy alimuom at lupa na siya para sa mga ganung contest.

Kung ako huhusga sa drama niya dun sa audition tape niyang ipinapalabas sa TV, naku bagsak siya. Hindi ko nga nadama yung mga nais niyang iparating. Akala niya naman sa ginawa niyang pag-iyak sa national TV matatalo niya ang superstoned… este superstar Nora Aunor o kaya ang dakilang Juday. Daig pa nga siya ng mga emo youtuberos sa pag-iyak. Kahit nga sa pagsayaw-sayaw niya noon hindi rin pasado. Malambot pa ang mga poste sa kanto kaysa sa mga kinakalawang sa osteoporosis na mga buto niya kaya nga di ko talaga maintindihan kung paano siya naging dancing queen!?

Kung gusto niya sanang sumikat komunsulta sana siya sa akin baka natulungan ko pa siya. Heto lang naman mga paraan para sumikat siya:

  • Sumali sa mga reality shows gaya ng PBB. Since hindi naman siya talented pwede siyang sumikat dito. Tulad na lang nila Kim at Gerald, sumikat kahit puro pa-cute lang ang alam.
  • Makiapid sa mga boyfriend ni Kris Aquino. Mabilis siyang sisikat, parang si Hope.
  • Magsuot ng mga kakaibang damit gaya ni Tessa Prieto-Valdez. Yun nga lang sa case niya magmumukha lang siyang matronang hindi mabili sa kalsada ng Timog Ave. at Baywalk.
  • Kaawayin si Gretchen Barretto. Sumisikat din mga kaaway nun.
  • Pausuhin niya ang kanyang dance move. Baka ungusan niya pa ang Itaktak Mo at Boom Tarat-tarat.
  • Gumawa ng sex scandal at ipalaganap sa internet at cellphone. Marami na rin ang kilala sa mga scandals, isa na diyan ang hotel heiress na si Paris Hilton. Pero kapag ang sa kanya na ang lalabas, hindi kaya maging curse ito sa mga cellphone at virus sa PC?
  • Sumali sa forbidden questions ni DJ Mo at siguradong magiging controversial siya kapag tinanong sa kanya yung “Dude, we know your gay” lalo kung sinagot niya sina Piulu, Sam Melbi, at Erik Santos. Ang masama lang kung umabot siya sa “Show me the puppies!” at patulan niya ito.
  • Baka sa excitement niya dun sa “Show me the puppies!” magkaroon na rin siya ng “Manay Tessie Gone Wild” video, kung saan binubuyangyang niya ang kanyang mga puppies.

Marami pang ibang paraan para naman makapasok pa siya sa showbiz, bakit pa kasi ganung audition tape pa. Kumunsulta kasi kagad kay Gina Alajar para magawa yun kaso parang si Gina na rin mismo nahirapan sa pag-arte niya. Kung ako sana kinunsulta niya baka natulungan ko pa siya kung paano sumikat. Nagsayang lang siya ng sandamukal na salapi sa kanyang TV audition tape ad.

17 Replies to “Crying is Not Enough”

  1. yatot says:

    nagtataka nga ako dito kay tessie sa ads nya eh… ang tanong ba naman di ba e… tessie, bakit ka nag dancing queen?… na sinagot naman nya ng nagkamali ako… na hindi naman talaga nya nasagot ung tanong na bakit! siraulo yata ito eh! dapat dito hindi binoboto! bwiset! bwehehehe… rants rants rants!

  2. Plasticity is the best policy.
    (It’s already been done.)

    She abused her too much publicity. Now, she apologizes. She should’ve done this in the first place. It’s too late. this would not pave her to Senatorialdom.

    Unless… you know, it’s the Philippines.

  3. *redg* says:

    Nakikinig ka talaga s shows ni DJ Mo no? :)))) Alam na alam mo yata yung mga segments. Mapakinggan nga rin. :))))

  4. reyna juana says:

    ang galing mo mag-obsreve. parang lahat talaga ng bagay napapnsin mo.

    parang napapagsabay mo pa ang pakikinig sa forbidden questions at panunuod nt tsismis sa tv. hehe.

  5. aka ZORD says:

    hmmmmmmm

    sya ay isa nang alagad ni gloria

    kaya sya nag sorry dahil sya ay nautusan

    d ko sya iboboto, dahil auko sa balimbing

    wakeke

    hayaan mo na yun

    hindi mananalo yun

    sana

  6. Micaela says:

    mahal kong billycoy,

    salamat at muli mo akong napangiti haha

    at least ngayon alam na natin san nagmata si kris aquino :p

    http://micamyx.i.ph

  7. atomicgirl says:

    i think puwede naman siyang gumaya sa style ni GMA na “i am sorry…” eklat. tingin mo?

  8. argel says:

    sayang di ko pa nakikita yung ad niya na ito.. pero tingin ko panget..kasi ang panget nga ng sayaw niya eh, mas simple pa gawin yun kaysa umiyak.. tsk..

  9. andianka says:

    ahaha! hanep, malaking virus talaga sa cp at pc ang video nya kung scandal gagawin nya. teka, magkakainteres ka ba halimbawa ngang ganun gawin nya? *thinks* whooops! pakshet nakakaintriga nga. patay sira lahat ng gamit kung ganon.

    cguraduhin mong di makaabot sa knya mga payo mo! delikado!

    (billycoy, eto po talaga ang official blog ko… “waitwhosaidthat”, panoorin mo si spiderman sa blog okay? harhar!)

  10. melai says:

    hehehehe sana mabasa to ni tessie ureta..tama ba spelling ng name?

  11. Billycoy says:

    neil > tama ka nga diyan, hindi mo talaga expect kung sino mananalo kung nandito sa pinas

    reyna juana > likas na yata talaga sa akin maging keen observer, in other words, usisero at tsimoso

    atomicgirl > idol niya nga yata si PGMA

    argel > at mas panget kung mananalo siya

    andianka > sino ba naman ako para pagkaabalahan ng politiko, at sino rin ba sila na pagkakaabalahan ko pa

    melai > baka makakuha pa siya ng tips at manalo pa siya

  12. richard says:

    hayaan mo na.. heheh.. strategy yan eh.. hehe

  13. lalaine says:

    hay kung siya may balak mag entertain tapos pumasa…

    ibig sbhin may pag-asa rin ako hahah..

    just kidding

  14. nakibasa lang po

  15. L.A says:

    Nyahaha!

    Cge maganda talaga yan awayin si Gretchen at Karirin si James nyhahah sure hit agad yan isang putak lang ng dalawang yan sikat kana agad sa showbiz waaaaaaaaaaaaaaaaaaahahahahahahahahahahaahahaha1

    May ticket knb?

    -L.A
    http://artworks.uk.to

  16. hannah says:

    tama lang na kumunsulta muna sayo… wahaha

  17. mats says:

    ibang klase din naman yang si TESSIE ORETA! ang laki ata ng sira nun eh. grabeh!
    hindi siya karapat-dapat na iboto.
    tama ang mga nabasa ko dito. ni hindi man lang ako bumilib kay tessie. isang bagay lang… kahihiyan siya! wahaha!!!

Give me reply and I'll give you a kiss

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 504 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: