Someday My Dreams Will Come


Noong mga bata pa tayo at mangmang pa ang musmus nating pag-iisip, may isang tanong na paulit-ulit na kinukulit sa atin. Baka nga sa tuwing tatanungin ito magpapantig na lang ang iyong tainga, didilim ang iyong paningin at kikitilin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagsaksak ng Mongol sa kanyang puso. Pero dahil nga mangmang at wala pang alam sa mundo hindi mo ito ginawa. Sinong bata ba ang hindi tinanong ng “Ano gusto mo maging paglaki?”

Lahat tayo tinanong niyan at kahit tayo tinatanong natin yan sa mga bata ngayon. Yung mga sinasagot natin noon malaking impluwensya para mabuo natin ang mga pangarap natin. Ano nga ba ang mga gusto kong maging ngayong malaki na ako at makapal na ang pubic hair sa ilalim ng aking brief?

Doctor. Pwede akong mag-medicine noon sa UP at sasagutin ng tiyuhin ko sana ang tuition ko doon. Kaso hindi ko pinili kasi inisip ko matagal ang bubunuin ko sa pag-aaral, imagine 5 years or more sa school, inisip ko na baka hindi na ako magka-girlfriend o mag-asawa sa ganung tagal. Hindi ko nga kinuha pero heto USB pa rin ako at wala pang napopopoy kahit isa.

Mafia Lord. Hindi ko lang gusto maging hitman o assassin, gusto kong maging head ng mga sindikato lalong lalo na sa MAFIA. Napakapowerful ko kung sakali, may hawak ako sa politika at sa mga illegal na transaksyon at mapapapatay ko na ang mga gusto ko kahit pa ang mga ipis at langaw na hindi man lang nadudungisan ng dugo ang aking mga kamay.

Drug Lord. Kailangang magtake ng enterpreneurship or business course at pagkatapos pharmaceutical para maging drug lord. Malakas ang sales dito, lalo na siguro kung magkaroon ako ng mga puwesto sa mga malls kahit isang booth or boutique lang. Nais kong dalhin sa heaven ang maraming nilalang.

Papa Sang. Ang maging sikat na bugaw sa mundo ng boogie wonderland ay tagal ko ng pinakakaasam. Gusto ko maging middleman lang sa mga negosasyon, huwag lang ako yung gumagawa ng aksyon. Hindi naman ako papayag na ibigay ko ang aking virginity kung kani-kanino lang, masaya na akong makakuha ng 90% komisyon sa mga talents ko.

Porn Star. Napagdesisyunan ko na lang na hindi ituloy. Iba kasi magiging reaksyon ng mga viewers ko. Instead na ma-arouse ay baka magtatakbo sila sa kanilang kwarto magtalukbong sa kumot habang hinahayaang nakabukas ang ilaw sa takot oras na makita nila ang kahubdan na aking katawan. Instead na porn film ang ipapalabas ko ay maging horror movie at daigin pa sina Freddie Kruger at Sadako sa pananakot.

Simple lang naman ang mga pangarap kong yan. Matupad ko lang ang isa sa mga iyan, laking ligaya ko na at malamang daig pa ang orgasm na mararanasan ko once na madevirginize na ako. Pero kung mahihigitan pa nga nito ang orgasm ko, hindi rin yata ako papayag. Mas gusto ko yata ang ligaya sa orgasm!

29 Replies to “Someday My Dreams Will Come”

  1. Padre Salvi says:

    hehe. ang saya mging drug lord. wala bang b.s in Business Administration and Industrial Pharmacy. para hindi ka na kukuha ng 2 course. isahan na lang. o kaya B.A Film Major in Pornography.

  2. Anonymous says:

    porn star. porn star.

    kahubdan ng iyong katawan?
    howler.
    haha.
    🙂

  3. Anonymous says:

    makapal na pubic hair sa aking brief? bwahahahaha… kelangan bang magcomment pa ako dito?

    pareho pala kau ni carlos agassi ng pangarap… ang maging porn star! bwahahahha… teka sino ba si carlos agassi?

  4. lalaine says:

    wag mag-alala..iboto mo lang si pichay, ok ka na! hehe

  5. ninong says:

    baka maraming manood kapag si combatron na ang nagporn! hahaha.

  6. sorrowful says:

    well, ako nung bata gusto ko maging bampira…weird no? ewan ko kung bakit, tapos nung sinabi ng teacher ko na hindi daw yun pwede sa year book sinabi ko na doctor kasi lahat ng kaklase ko doctor eh…ayun…paalam.

  7. Micaela says:

    PICHAY: Pangarap kong tuparin ang mga pangarap mo…

    hahaha :p

    anova nasa isip ko din yan mga pangarap na yan.. lam mo naiisip ko siguro magkadugtong ang ating mga utak haha kasi isusulat ko pa lang nababasa ko na sa blog mo lol

    http://micamyx.i.ph

  8. tina says:

    aba. gooo catch your dreams. 😛

  9. deejay says:

    hahays! masaya maging porn star. ahaha. pero pwede na rin ang maging drug lord. ahaha.

  10. andianka says:

    ironic…dreams come true, at si freddie crooger pa tatalunin mo? malala pa sa nightmare yun. my gulay!

    ano ba ito? continuation ng commercial ni chiz escudero?

    madali na lang ang porn! gawa ka scandal sikat ka na!

  11. kakaiba ka talga. haha.. pero sana maging porn star ka nga.. 🙂 haha.. gagawin kong wallpaper ang hubad mong katawan. 😀 weeee yummy? wahaha!

  12. mats says:

    haha! ibang klase ka talaga!
    ultimo sa panagarap wagi ka!
    pornstar o papasang mukhang bagay syo! 😆

  13. joy says:

    hahaha.. namiss ko ang pagdalaw sa blog mo… ako’y muling nagbabalik! 🙂

  14. tuloy mo na lang yung pangarap mong maging Papa Sang…

    unless gusto mo talagang panindigan ang pananakot mo sa pagiging Porn Star!

  15. Juice says:

    naks, alam mo, I have plans in taking a medical/pharmaceutical course after I finish my management and entrepreneurship but now that you’ve mentioned it, magging Drug Lord ba talaga? Or I’m just vulnerable. Hahaha.

    Haay, sana matupad mo talaga at least one of your dreams. Baka in 2 years makikita ko ung mukha mo in one of them porn stuff. Hahahaha.

  16. atomicgirl says:

    mafia lord na lang para medyo sosyal. imagine, kung drug lord ka, low-class lang ang mga tao mo. pag mafia, international ang lawak ng mga tao mo.

    tsaka kung porn star naman, goodluck. di ba sabi mo, “Hindi naman ako papayag na ibigay ko ang aking virginity kung kani-kanino lang…” kaya mafia lord na lang. promise.

    (pero ayaw mo bang maging barangay captain na lang muna sa ngayon?)

  17. billycoy says:

    padre salvi > malapit na kapag pinatayo ko na ang school ko

    lalaine > oo nga pala isa nga palang genie si Pichay

    micaela > great people think alike

    ikay > may plano kang manakot ng mga taong papasok sa kwarto mo?

    juice > they won’t know it is a porn, instead mapagkamalan nilang horror film yun!

    atomicgirl > syempre kailangan i have to dream big. Dream Believe Survive!!!

  18. aka ZORD says:

    asan n yung pinost ko!!!

    hmm

    uulitin k n lng

    sabi ko maging porn star ka, tapos isikat ka. magiging manedyer ka n hahawak din ng porn star, sisikat ka ngaun sa buong mundo dahil binubugaw mo mga sikat na pron star. pag sikat ka na isama mo yung drug lord idea mo. ibenta mo sa mga kostumers mo sa bugaw

    tapos me pera ka na makakapag aral k n ng medicine, pag aral mo i over dose mo mga kostumer mo, pag na overdose sau pupunta kasi doctor ka

    tama ba?

  19. katrina says:

    waw. go live your dreams! sali ako sa mafia, ako na lang assassin mo. hehehe ;p

  20. hannah says:

    aus na ayos!

    alam naman naming lahat dito na balang araw ay matutupad mo ang kahit isa sa pangarap mo…

    strive hardest ha!!! wehehe

  21. janna says:

    tuparin mo ang pangarap mo na maging porn star.

  22. janna says:

    porn star. :]

  23. Talamasca says:

    I wanna be Billycoy when I grow up! Weeeeeeeeeeee!!! 🙂

  24. andianka says:

    huwaaat?! talamasca? wanna be billycoy? harharhar! *no comment* pero nagcomment… nag-iikot lang po.

    BILLYCOY!!!!!!
    (wala lang)

  25. jhenny says:

    hanep sa mga pangarap ah… hehehe kayang-kaya mo naman abutin lahat yan eh hehehe.. ultimate yung maging porn star 😛

  26. cars says:

    ayos mga pangarap mo!
    sana matupad ang pagiging porn star mo. GOODLUCK! hahaha

  27. sherma says:

    parang yung pagiging doctor lang ang matino sa mga nakalista, ah!

    hindi mo ba ginustong maging teacher? tapos, MAPEH or PEHM teacher ka, e di ba, dun tinuturo ang sex education pero baka hindi ka qualified! hahaha!

    good luck sa mga pangarap mo…

  28. Jhed says:

    Grabe naman! 90% ang komisyon mo sa talents mo?! ANG BABA NAMAN! Bakit hindi mo na gawing 99% diba? Haha!

  29. Leche. Yung mga sinabi mo, parang nasabi ko nung kinder ako. Tinanong ako ng dad ko kung anong gusto kong trabaho. Yun rin ang sinabi ko…

    una, doctor.
    tapos, gang lord
    tapos, drug lord
    tapos, bold star.

    Sampal ang inabot ko nung nabanggit ko yung huli. Natatawa sila sa mga nauna kong nabanggit.

Give me reply and I'll give you a kiss

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 504 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: