Desired Positions in…

Kapag tapos na sa pag-aaral o college, siyempre kailangan ng maghanap ng trabaho. Unless, mas gustong tumunganga sa loob ng bahay, maging palamunin at magpakamatay sa panonood ng mga teleseryes sa harap ng TV. Maraming job openings ngayon lalo’t summer dahil maraming mga graduates. Kaso karamihan naman opening ngayon ay para dun sa call centers. Of course, lahat naman tayo gusto umupo sa posisyong hinahangad at related sa tinapos natin. Hindi yung makipagtelebabad sa mga eng-eng at mga inaamag na utak na mga kliyente habang nagpapakamatay sa pagpupuyat habang nakatuhog sa magkabilang tenga ang headset. Though, marangal at malaki kita ang maging ahente sa call center, nakakahinayang lang kung di magagamit ang natapos at magawa ang pinakaaasam na trabaho.

Syempre ako masaya ako sa trabaho at ginagawa ko, kasi ito ang tinapos ko. Hindi rin naman mawawala na meron pa akong ibang jobs na inaasam. Kaso hetong mga inaasam kong trabaho wala sa mga pages ng classified ads, o kahit man lang sa mga dahon at mga nakapaskil sa mga poste katabi ng mga “Wanted: Bed Spacer” at “Bawal Umehi Dito.”

Position Desired: President/CEO of Multinational Company
Sarap ng feeling maging President/CEO. Nakaupo na lang sa isang malaking upuan sa loob ng isang malaking kwarto habang tanaw sa bintana ang magandang view ng syudad. Papirma-pirma na lang ng mga papers at nakikinig sa balitaktakan at nagpapatayang mga board members. Pipindot lang sa speakerphone at sasabihing “Hoy babae, bigyan mo ako ng kape dito!” o kaya “Hey sexy, let’s have a dictation in my office!”

Position Desired: Nawawalang Anak ni Bill Gates
Laking tuwa ko kung isa ako sa nawawalang anak ni Bill Gates. Kapag pumanaw kasi si Bill Gates, 0.01% lang ang ipapamana niya sa kanyang mga anak at the rest sa charity na ibibigay. Ang 0.01% na mana ay nagkakahalaga lang naman ng $10 million. Syempre mas gusto ko mas malaki makukuha o kaya lahat ng pera niya, gagayahin ko na lang ang mga ginagawa ng mga kontrabida sa teleserye para makuha ang yaman na yun.

Position Desired: Sex Slave ni Rhian Ramos or ng Sadistang Beauty Queen
Napanood ko minsan sa TV na mahilig si Rhian Ramos mangolekta ng feathered handcuffs. Kinky di ba? Kaya willing akong mag-apply bilang maging sex slave ng magandang dilag na ito. Kahit abut-abot na peklat sa likod at sakit mararanasan ko basta si Rhian Ramos o isang Sadistang Beauty Queen ang aking dominatrix, abot-langit na ligaya na yun.

Iyan ay ilan sa mga desired careers ko. Sayang wala ang mga yan sa classified ads ng dyaryo dahil agad-agad akong mag-aapply sa mga posisyon na iyan. Since wala naman ang mga posisyon na yan sa mga ads, posisyon na lang sa kamasutra ang aalamin ko.

———————————
Mababasa niyo pa rin ang kakaibang Billycoy at ang aking First Time sa blog ni Chico.

25 Replies to “Desired Positions in…”

  1. yatot says:

    ang buong akala ko ay mga holy positions ang iyong tatalakayin dito… hindi naman pala… bwehehehhe…

    dapat talaga maging masaya tayo sa ating work kahit na ano pa man iyan… pero siyempre mas magiging masaya ang work kung ang iyong trabaho ay ang maging sex slave… wakokokokok…

  2. Jhed says:

    Isa lang masasabi ko.

    ASAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!

  3. cars says:

    tama si Jhed. ASAAAA!
    haha, jk =)

  4. cat says:

    I really thought the macaronis in your header are maggots!

    Read your post in Sa wari ko, really funny:)

  5. Anonymous says:

    sa akin mo naman nakuha
    ang konsepto
    ng pagiging
    sex slave e.
    tsk tsk tsk

  6. actually, ako ang nawawalang anak ni bill gates…

  7. bonaks says:

    dominatrix pala ha :p

  8. mats says:

    Asa raw!!!
    muahaha!

  9. atomicgirl says:

    eh ano nga ba talaga ang trabaho mo ngayon billycoy? tsaka pare, ganda ng header mo ah! panalo.

  10. jeniffer says:

    kaloka.. sige’ pagpatuloy mo lang yang pangangarap mo.. malay mo.. hehe.. suportahan taka!

  11. Tea says:

    Ayos!

    Nagbabalik!

    Haha. Wish mo lang matupad lahat yan, di ba? Haha.

  12. -EDDEN- says:

    kaaliw yung pagiging ‘sex slave’ ah, haha!

    ano kaya kung ako ang maging sex slave ni Brandon Routh…

    bwahahaha! :p

  13. oo nga daming call center position offers na sinesend sa email ko. kaines.

  14. andianka says:

    sa sopas mong utak kahit ako ibang desired positions ang inakala kong mababasa dito… ang tanong, dun ba sa mga career dreams mo eh qualfied ka? hmmm… magpakahirap ka na lang at dun ka sa charity na pamamanahan ni mr. gates… gates? wahahha! 😛

    (wala ako sa sarili ko ngayon)

  15. aaronjames says:

    hay dios ko! kung makikita yab sa classified ads, maraming mag-aaply. salamat sa idea. mag-aapply ako personally. wahaha. peace. LOL

  16. L.A says:

    Ako! Pede din akong maging sex slave! Libre bugbug nyhaha!

  17. joy says:

    gusto kong maging nawawalang anak ni bill gates! hahahaha

  18. utakGAGO says:

    sino si RHIAN RAMOS?

    hmmm, I’d go for the lost son of Bill Gates. Kahit na wala man lang resemblance sa DNA or even sa mukha… lol.

  19. deejay says:

    hmm. haha. dun na lang ako sa CEo. nakakapagod ung maging sex slave noh. baka hikain lang ako. haha.

  20. sherma says:

    nagiging green-minded na ako, ah! akala ko kung anong desired position ang sinasabi mo! hahaha!

    sayang, hindi ako nakapagtanong sa ‘yo… haay… anyweiz, adbans heypi birthday…

    P.S.

    rhian ramos? wala lang… hehehe…

  21. sex slave ni rhian ramos.. 🙂 nice position naman yun!

  22. loko ka talga!! wahahaha.. buti na lang napasaya mo nanaman ako! wahah.. satisfaction nnman to. wahaha!!!

  23. paurong says:

    grabe naman yun..
    kesa naman tumunganga diba.
    hahaha!
    cras mo ba si rhian?

  24. blueengreen says:

    akala ko ako lang ang nakakapansin sa mga kakaibang header mo… hehehehe… bago na naman?… ang creative ng pagkakagawa…..
    regarding call centers, buti na yug maraming underemployed kesa naman magig unemployed cla…. pero cyempre mas mabuti nga namang connected ung course na pinagraduate-an sa trabaho…..
    ansaya naman palang maging ceo… laging may dictation…. hehehehe…..
    anak ni bill gates? di ba bading si bill gates? sbagay may mga bading na may anak…..
    sa dinami rami ng magagandang babae e si rhian ramos pa ung napili mo…. eww…. hhehehehe.. la lang… di ko sya trip… hahahahaha [as if naman i care about having relationships]….
    anyway, much of my nonsense….
    i’m back…..

  25. Gean says:

    Kung nasa classified ads ang mga yan, siguro dami mo karibal. Hehe.

    Bago lang ako dito. Kaaliw. Mind if I link you?

Give me reply and I'll give you a kiss

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 504 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: