Getting Stranded

Ilang beses na ba kayo nakakain na may natatagpuang buhok sa inyong pinagkainan? Nakakainis na sitwasyon di ba? Kung sa bahay kahit papaano mapapalampas niyo pa dahil kilala niyo kung kanino nanggaling ang buhok na nasa inyong kainan. Alam niyo na kung ang may split-ends, kulot o unat na buhok na kasama ng pagkain niyo. Kung sa labas galing o sa labas kayo kumain, yun talaga ang nakakainis at talagang nakakaeskandalo. Hindi niyo pa alam kung saang parteng buhok nanggaling yung nakain niyo, kung sa ulo, sa kilikili, sa singit o sa puwet. Nakakawalang gana talaga.

Kapag sa ganitong sitwasyon ano ang madalas niyong gawin? Tawagin ang manager ng food chain at resto, magngangangawa, magwala, magdrama, mag-iiyak at gumawa ng eksenang mala-telenobela sa pinagkakainan. Marami pa namang pwedeng gawin bukod sa gumawa ng eskandalo. Mga alternatibo kapag nakakita ng buhok sa food niyo.

  • Itabi ang mga natagpuang buhok at ibenta sa mga gumagawa ng peluka.
  • Kolektahin upang gawing hair barometer. Ginagamit din kasi ang buhok sa pagmeasure ng humidity.
  • Dalhin sa Quiapo ang at ipakulam ang may-ari ng buhok.
  • Isama sa mga idodonate sa oilspill.
  • Ilagay ang buhok niya sa mga pinagkakaganapan ng mga crime scene, para kapag natagpuan, yari ang may-ari ng buhok sa SOCO.
  • Maaaring gawing fake eyelashes or hair extension.
  • Kung mahaba ang buhok at matibay dahil ginagamitan ng Pantene, ipangsakal sa manager at iba pang staff ng pinagkainan. O kaya ipangbigti sa kanila.
  • Kung nagkaroon ng stubborn at malaking tinga, maaari ding gawing floss ang natagpuang buhok.

Iyan ang mga pwedeng gawin sa mga buhok na nakita niyo sa pagkain. Kaya kung ayaw niyong magreklamo at gusting maiba iyan na lang ang gawin niyo. Kaysa magngangangawa at masira ang magandang Next Top Model poise niyo, gumawa na lang ng assertive way para di naman nakakahiya. Pero kung gagawa ng eksenang pang pelikula, siguraduhin lang na di na kakain ulit doon. Reklamo ng reklamo pero pabalik-balik pa rin at sarap na sarap pa rin sa mabuhok at balbuning pagkain, walang kwenta di ba?

Teka, may natagpuan pala akong bulbul sa kinain kong bulburon. Tamang-tama may tinga ako, meron na akong dental floss.

26 Replies to “Getting Stranded”

  1. Jhed says:

    First! Haha!

    Kadiri naman yung floss. Eewness. Haha! Malagyan nga ng buhok pagkain mo mamaya.

  2. speed dater says:

    witty but gross.
    oh well, i think people expect
    that from you already. hehe..

  3. Anonymous says:

    get a hint from britney spears. i-auction mo ang buhok mo. magkano kaya ang buhok mo, billycoy?

  4. Billycoy says:

    jhed > subukan mo lang, ibibigti kita sa buhok mo!

    speed dater > yeah, they expect it and love gruesome details

    fire eye’d boy > iba-iba kasi presyo ng buhok ko, depende sa part… saang buhok ko ba tinutukoy mo?

  5. Bonaks says:

    Gawin mo nalang peluka…may kita ka pa

  6. Bonaks says:

    Gawin mo nalang peluka…may kita ka pa

  7. andianka says:

    buhok from sa ulo, kilikili, ilong, pwede pang kapanipaniwalang mapunta sa pagkain… pero ang makakita ng maikli, kulot, at makapal na bulbulurins sa food? pano yun napunta dun? nyaahhahahaha!

    ilagay sa crime scene, gusto ko yun. at yung ipakulam, san ba sa quiapo meron? bwahahah!

  8. mats says:

    magandang ideya ang dalhin sa Quiapo at ipakulam at yung dalhin sa mga crime scene! AYOS yun!

    akalain mo ang tinding paghiganti naman nun! YUCK yung pang floss!

    HAHA!!!

  9. potpot says:

    hmmm… tanda ko tuloy nung kumain kame sa isang sosyal na resto.. sarap na sarap ako sa kinakain kong beef tapa… at ayon.. may nakeeta kong nakakdiring mahabang buhok..

    ayon,.. nagwala / nag freak out ako sa resto na un.. 🙂 pinalitan naman nila ng bago ung pagkain ko.. plus libre pa kami.. 🙂

  10. deejay says:

    grr. inis na inis ako sa mga ganyan. yung tipong sarap na sarap ka sa kinakain mo tapos biglang may buhok. and worse, kung pano mo sya tatanggalin sa harap ng ibang tao. kadiri di ba.

  11. oboids says:

    Kung mahaba ang buhok at matibay ito, maari ring gamiting dental floss…hahaha

  12. Isaiah says:

    ako mataba ang buhok ko! yeah pwede ngang floss ahihihih

  13. Anonymous says:

    bulgar billy.
    masyadong bulgar.

  14. funny and gross! ;)) especially the last one.

  15. Billycoy says:

    bonaks > oo nga laki pa kita, lalo kung i-auction sa ebay.

    andianka > di ko rin alam sa quiapo, pero para sure, punta ka na lang sa mambabarang sa siquijor

    mats > syempre, vengeance is sweet

    potpot > pinalitan ba nila ng ibang ulam or food? kasi kung same pa rin, nalaga na rin yung buhok sa kinain mo

    deejay > nakakainis yun, lalo’t kung makita mo na lang yun na nasa pagitan ng mga ngipin mo.

    isaiah > malaki matitipid mo sa flossing… yun nga lang baka maubusan ka ng buhok

    super xienah > bulgar ba? di naman… blatant lang

  16. Billycoy says:

    doubting thomas > di na gross yun kapag nalunok na.

  17. sabi ko na nga ba may use talaga ang bulbol

  18. sherma says:

    yucky yung ganung food.. yung may buhok kang nakakain… eew talaga… hindi naman ako nakakain masyado ng sarili kong buhok dahil hindi naman ako nagluluto… malamang, buhok lang ng nanay ko ang nakakain ko…

    ok na rin yun kasi parang napapansin ko, super nanlalagas na ang hair ko… hindi naman effective sa ‘kin ang pantene, eh!

  19. Billycoy says:

    the philosophical bastard > now you know!!!

    sherma > mabuti buhok lang ng mom mo… wag lang sanang aabot na pati buhok ay lulutuin na niya

  20. Prudence says:

    I like the idea of leaving the hair in a crime scene hehehe

  21. karlee says:

    kadirii XD kadiri kapag may nakikita kang buhok,parang. omg gusto kong isuka yung kinain ko XD

  22. andianka says:

    nyaaaah! siquijor… di bale, dito na lang sa bicol sa sorsogon o kaya masbate. balita ko meron din eh. wahehehhe! may mga buhok ka bang ipapadala jan? harharhar!

  23. mats says:

    wow! VENGEANCE is SWEET!
    naalala ko naman ang pelikula na may revenge! gawsh!!!

    marami ka na bang buhok na naipon jan?! HAHA!

  24. Shari says:

    You seem to have forgotten something….

    Just eat the damned thing! Hehe :p

  25. Billycoy says:

    prudence > sana lang makita ng mga pulis yun… siguro tambakan ng maraming buhok sa scene para makita kagad nila

    karlee > wag mong isuka, gamitin mo na lang pangtinga

    andianka & mats > marami akong buhok na pwedeng ipadala sa inyo, parlorista mom ko eh

    shari > yah i forgot it… the taste won’t be different from the food eaten anyway

  26. mats says:

    o sige, hantayin ko ang mga buhok na yan!
    muahaha!!!

Give me reply and I'll give you a kiss

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 520 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: