Stand Out Scents

Sa dinami-dami ng klase ng pabango hanggang ngayon ay wala pa rin talaga yung talagang nais niyo. Yung amoy na talagang aangat sa iba at talagang hahangaan. At dahil karamihan ngayon ng pabango ay pinapangalan na rin o pinagawa ng artista gaya nila Paris Hilton, J.Lo, Kris Aquino at pati sa cartoon character na si Brutus… ay Brute pala yun. Kaya naman we introduce our very new product.

Ang Paouis Ne range of fragrances ang magpapaangat sa inyong pagkatao. Dermatologically tested, scientifically proven and MTRCB approved ang aming pabango. Hindi ito katulad ng Eau de cologne, toilette at parfum, dahil ang Paouis Ne ay natatanging klase ng pabango. Ang Paouis Ne ay extracted from essential oils and sweat of famous hollywood and local celebrities. Kaya naman ilang patak lang ng Paouis Ne fragrance ay mag-aamoy artista na kayo.

Sino pa nga ba ang nag-iisang icon at tunay nga namang hinahangaang showbiz personality internationally sa kalalakihan? Syempre, ang nag-iisa at ang natatanging Brad Pitt. Kaya naman kung gustong manghalina ng mga Jennifer Aniston, Angelina Jolie o kahit mga babaeng barker sa Cubao, heto na ang gamitin niyo. Paouis Ne Brad Pitt. Great Abs not included.

Kung merong Brad Pitt, meron din namang nag-iisang esposa at ang kinikilala ring Ambassador of goodwill na si Angelina Jolie. Sino ba namang babae ang hindi gusto makapag-seduce sa isang Brad Pitt ng kanyang buhay? At hindi lang Brad Pitt ang mahahatak niyo, pati na rin ang pag-aampon ng mga bata sa iba’t ibang nasyon. Gustong mang-akit? Gamitin ang Paouis Ne Angelina Jolie. Luscious Lips not included.

At siyempre, meron ding dapat local at unisex na fragrance. Kaya naman we introduce our proudly local in our range of fragrances, heto ang Paouis Ne Sam Milby.

Currently, gumagawa pa kami ng iba pang fragrances from hollywood and from the local scene, kaya you’ll expect na lalawak pa ang range of fragrances ng Paouis Ne. Kaya naman kung gusto niyo mag-amoy showbiz, gamitin ang Paouis Ne fragrances.

30 Replies to “Stand Out Scents”

  1. makabili nga nyan.. hehehe.. sa palagay ko nasa.. 20k PHP+ ang isa.. wahahaha

  2. Kironobu says:

    paouis ne lang ba product nyo? walang poutoc ne?
    sayang…

  3. yatot says:

    baka mamaya ‘BAS-KIL” scents yan huh…?

  4. ha ha ha ha ha. . .halos lumabas na ang aking mga intestines sa kakatawa hahaha you made my day!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  5. teka.. pano po mapasali sa links mo po? link exchange po tayo ^__^

  6. niknok says:

    parang maasim yung pawis ng showbiz! magkano naman kaya yang mga yan? naku buti wla kau paouis ne piolo or regine.YUCK! hehe

  7. Billycoy says:

    the philosophical bastard > dahil nahirapan kami sa pagharvest ng mga ito sa mga gym… very competitive ang price nito

    jehzeel > mura lang kapag local

    kironobu > meron na yan, in aerosol cans saka for air freshener nga lang

    yatot > bas kil basang kilikili… hindi lang naman dun, meron ding kinukuha sa mga singit singit

    tatlumpung libong isda > pwedeng gawing isaw yan!

    niknok > yung kay piolo, next in line na yan… sa unisex range!

  8. sendo says:

    haha, astig. mahilig ako sa mga libro ni bob ong, natatawa ako sa mga bloe entries mo. keep it up.

  9. P H i A says:

    hahaha! ang basa ko dian .. PAWIS NI SAM MILBY etc.etc? hahaha. nakakatuwa!

    Okay lang naman ako! Ikaw? Argh, di ko makita tagboard mo. Hayz. Ang tanong meron pa ba? Hehehe.

  10. gyk says:

    san ako pwedeng bumili nito? atsaka magkano? makabili nga.. hihihi

  11. Jhed says:

    Gusto ko yung kay SAAAAAAAAAM!

  12. andianka says:

    pwede ba magpapersonalize? franchise? hmmm… mukhang mgandang raket ‘to… sa dami ng products na naiimbento mo, pwede ka na magtayo ng billycoy mall or department store… galing! 😛

  13. Langhiya. Kadiri naman. Katas ng balat. Hahahahahahahahaha. Sang katas naman yan. billycoy? Bastos ng naiisip ko eh. Hehehehe

  14. Pwede bang mag-advance order…
    Ibebenta ko dito sa Singapore.

  15. Gean says:

    Aba, mabisyo raket mo. Hehe.
    San yan nabibili?
    Ayoko nun kay Sam, baka maging unisex din ako.

  16. Billycoy says:

    sendo > thanks… mahalay din ba si bob ong?

    phia > wala na po ang tagboard, sorry

    gyk > order po yan… through telepathy

    jhed > yay! expected ko na yun

    andianka > ako na tatalo sa walmart ng US

    neil > ay nakow neil, extracted from essential oils and sweat nga di ba?

    shiok > pwede… pero magtatayo na rin kami ng resellers dyan sa singapore

    gean > kung saan saan lang, meron din sa local hardwares at drugstores… singhot ka muna rugby bago makabili

  17. Micaela says:

    Dapat meron din yung scent ni billycoy para maturn on ang kababaihan at kalalakihan

  18. edgar says:

    tiyak akong napakabango niyan… hahahaha… wala bang paouis ne madam auring?… pampa-attract ng mga kulot na callboy… hahahahahaha

  19. Virginia says:

    hahahahahahahaha!

  20. Billycoy says:

    micaela > hindi ko pinayagan, gusto natatangi lang ang amoy ni billycoy

    edgar > madam auring, pwede rin… may asim pa naman yun

  21. Anonymous says:

    kung i la-license ko sayo ang amoy ko, magkano naman ang talent fee ko ha?

  22. utakgago says:

    TANGINA Mo natawa ako! =)) LOLOL. shet. akala ko “promise me.” tapos yun pala, paouis ne.

    tapos nung may brad pitt na, omfg. =))!!!

    mukha kong tanga since i’m laughing in front of my pc. argh! =))

  23. Billycoy says:

    fire eye’d boy > since sikat ka rin lang ubod ng lakas ng sex appeal mataas ang talent fee… okay nambobola lang ako para may manlibre sa akin!!!

    utakgago > malabo na talaga mata mo, magsuot ka nga ng hearing aid!

  24. sana lang hindi malagkit yang mga pabangong yan! hehe

  25. EDDEN says:

    ayos ang bagong line ng perfumes na ‘to ah. May international na, may local pa. san ka pa?

    haha.

  26. mats says:

    PAOUIS NE..
    hmmm… kaaya-aya ba ang scents nito? nakakabusilak ba ng mga natutulog na damdamin?
    nakakagilalas din ba? wala bang PAOUIS NE jennifer aniston? gusto ko nun!

    o kaya’y PAOUIS NE billycoy! aroooo!!! muahaha!

  27. Billycoy says:

    doubting thomas > oo nga pala ano?

    mats > marami pang susunod sa aming range. yung amoy ko, di ako papayag na may ibang makakagamit nun!

  28. john paulo de joseph says:

    ginoong billcoy,

    magandang araw po! humihingi po sana ako ng permiso na ma-i-feature ang blog niyo pati na ang ilan sa mga nakatatawang posts niyo sa aming upcoming youth-oriented site.
    kung maaari po sana ay malaman ko ang inyong contact details tulad ng e-mail add or cellnumber para po mas maging pormal ang paghingi ko sa inyo ng permiso…

    maaari nyo po ako ma-contact sa:
    johnpaulodejoseph@yahoo.com

    lubos na umaasa,
    John Paulo A. de Joseph

    p.s. ako po ay nagtatrabaho sa isang NGO-youth oriented po…based po kami sa makati…
    at yung blog po ninyo ay balak po sana naming ma-feature sa aming dinedevelop na site…
    salamat po!

    U

  29. Pragments says:

    Wala ba yung pawis ng masa? Yung pawis ng mga manong? Yung amoy baktol. Mejo tight buget ako eh.

Give me reply and I'll give you a kiss

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 520 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: