Taste Not to Forget

Napakasarap ng ulam namin kagabi. Naparami nga ulit ang kain ko at nakailang pabalik-balik na rin ako sa hapag-kainan. Kapag ganun ba naman kasarap ang nakaharap sa dining table ay talagang hindi mapipigilang kumain ng marami. Ano ba ang ulam namin? Simple lang naman, Nilagang Baka!

Ano ba ang kakaiba sa nilagang baka na ito at nabusog ako ng husto?

Ang karne ng baka ng ulam namin ay napakasarap at napakalambot. Mistulang chocolate na natutunaw na lang sa bibig sa kalambutan. Malasang-malasa pa ang karne niya, fresh na fresh at hindi galing sa karne ng matandang baka.

Lasap na lasap ko pa nga yung damong kinain ng baka. Parang sa Pangasinan pa nga galing yung baka, kasi parang ganun lasa nung damo. Sa Tondo pa nga kinatay kasi nalasahan ko rin yung itak na ginamit pangkatay dun sa masarap na baka. Nalalasahan ko kasi yung iba’t ibang dugo ng baka sa ginamit na itak. Yung nagkatay naman ay taga-Novaliches, malalasap din kasi yung pawis niyang tumagaktak dun sa karne ng baka.

Yung repolyo naman galing Baguio. Malutong at sariwa pa kasi. Saka nalasahan ko yung matabang lupang pinagtaniman nitong repolyo. Hindi nga yata ginamitan ng artificial fertilizers, kasi matitikman dun sa repolyo yung manure na ginamit pampataba sa lupa. Medyo may konting pesticide pero nahugasan naman ng maayos ang tanim.

Ang patatas rin ay napakasarap, malambot at mashy. Galing Bulacan naman yata itong patatas. mataba rin kasi ang lupang pinagtaniman nito. Pero medyo may nalasahan akong kakaiba, parang dumumi yata yung alagang kambing sa pinagtaniman ng mga patatas nito. Pero as well, masarap pa rin naman yung potato.

Hindi ba’t napakasarap ng ulam namin. Pasensya na kung maraming natakam sa simpleng ulam namin kagabi. Mamaya porkchop steak ang ulam namin, gusto niyong malaman ang lasa? Ano ang ulam niyo ngayon? Ano ang lasa?

23 Replies to “Taste Not to Forget”

  1. sherma says:

    hala! ang dami ko na namang na-miss na post mo… anyways, ginutom ako sa post mo… hindi pa ako kumakain! hmf! hehehe… pero dahil sa mga ilang nalasahan mo tulad ng damo at yung pawis ng nagkatay nung baka… nawala yung gutom ko… hahaha!

  2. david.edward says:

    hay.. gusto ko pa ring kumain kasi nagugutom ako.. kahit nabasa ko ung blog mo, i still wanted to eat.. but the problem is i dont know what to eat.. tsk tsk

  3. Micaela says:

    Parang… parang… gutom na ako ulit 😀

    kamusta naman ang kinain na dahon na lasang galing Pangasinan? 😀

  4. Jigs says:

    Too much Information! Haha!

    Sa sobrang sarap, nakakadiri! Hahaha!

  5. dorkzter says:

    ayup! ginutom tuloy ako. hahaha nways happy eating

  6. ay… hindi pala ko nakapagcomment pakabasa ko… epal.

    teka.. sigurado ka bang nangiinggit ka? yung sahog ba talaga kinain mo, o yung pinanggalingan ng sahog ang ginagamit nyo pangsahog. naiintindihan mo ba ang isinasahog ko sa tanong ko?

    ano kinakain ko? oatmeal… walang lasa. 😛

  7. Lalon says:

    I liiike this post.. very original.

    galeng-galeng! (*clap-clap*) ^_^

  8. yarnhoj says:

    hehehehe…ano ba yun? nalasahan pa pati yung very minute detail ng ulam…kakaibang talent huh, in fairness? sana next time naman eh na-determine mo yung family tree ng nagkatay ng baka and kung saan nanggaling yung hayop na naglabas ng manure as a fertilizer dun sa gulay…hehehehe

  9. jojitah says:

    requirement ba sa masarap na nilagang baka ang tender loving care ng nagluto?

  10. Billycoy says:

    david edward > nilagang baka na lang!

    micaela > hayun nailabas ko na!

    andianka > wow on diet ka?

    jojitah > syempre, mas masarap ang pagkain kung hinaluan ng pagmamahal

  11. Mike says:

    hindi mahilig nanay ko sa baka kaya medyo madalang kami mag-ulam nun sa bahay. pag lumalabas lang kami dun napapa-order na siya. try mong hatakin mga magulang mo sa Barrio Fiesta, aynaknampo. it’s worth the splurge.

    nilagang baka tas appetizer soup no.5. what a very arresting combination.

  12. Gean says:

    Yan ang ulam ko kanina. Sarap lang. 😀

  13. N i K N o K says:

    hehe masarap nga yan…kaso nabo-bore ako sa mga ganyang ulam! hahaha

  14. Loverboy says:

    pork chop ulam ko ngayon. ang saraaaap.

  15. Billycoy says:

    mike > ayoko ng soup no. 5 wala pa akong mapopopoy kasi!

    niknok > sinabawang gulay para makulay ang buhay!

  16. james says:

    waw.

    pwede ka nang sumali sa cast ng “heroes”.

    tapos ang power mo,

    SUPER SPECIFIC TASTE BUDS.

    lagot ka, ha-huntingin ka na ni sylar.

    hehe.

  17. Chris Cafuir says:

    ang tagal ko nang hindi nakakakain ng home cooked meal. kawawa naman ako.

  18. Ederic says:

    Tamang-tama, gutom na ako. Makaalis na nga’t kakain muna. Hehe. :p

  19. skwayred says:

    Masarap din ang ulam namin kanina. Sinigang na hipon. 😛

  20. Tenola ang aming ulam. Masarap magluto ang aking ina. Naka-5 dagdang nga ako ng kanin eh. Hehehehe.Ganun siya kasarap.

  21. TanniX says:

    Damo na galing sa Pangasinan. Parang kakaibang damo yun ah. Yung Sativa grass ata yun.

    Napaka-artistic ng pagkakadescribe! Parang isang busilak na panaginip!

    Gusto ko ng corned beef. Gusto kong malasahan ang mais na galing pa sa kung saang lupalop ng mundo!

  22. maenoodle says:

    waa.. nakakainis ka naman pambihira. peyborit ko ang patatas sa nilagang baka. patatas lang kinakain ko hehe. at sabaw. hmm. malinamnam. buti na lang di ko alam lasa ng pupu ng goat. kaw talaga. tsk.

  23. Billycoy says:

    james > ok lang para siya naman magdusa

    tannix > kapag brazilian, galing siyempreng brazil, kapag argentina… galing din sa argentina?

    maenoodle > yun nga ang nagpapasarap sa patatas

Give me reply and I'll give you a kiss

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 504 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: