Mouthwatering

Yummy di ba?

Isa sa mga kinaiinisan ko kapag naglalakad sa kalsada ay yung mga taong dura ng dura. Dura dito, dura doon. Kulang na lang ay pumunta sila sa ulap at gumawa ng ulan ng laway sa buong bansa. Bakit ba kasi hindi nila mapigilan ang pagdudura? Siguro mabaho at nalalason sila sa sariling laway.

Hindi naman nakamamatay ang paglunok sa sariling laway kaya bakit ba dura pa rin ng dura. Ang laway pa nga ang tumutulong sa pag-digest ng ating mga kinakain. Nakakatulong nga rin itong protektahan ang ating bunganga sa mga bacteria. Mabuti sana kung may plemang malapot at green na green pa ang ilalabas—nila pero sa tamang lugar naman. Hetong mga ‘spitters’ na ito, they better go back to kinder and study physiology.

Dapat nga nagse-save pa sila ng mga laway nila dahil makakatulong din ito sa kanila in the future.

  • Panglaban ito sa dry spell or drought. Ipunin lang ang laway at pwede na itong gamiting inumin o kaya pangligo sa katawan.
  • Kapag nalaos na ang e-mail. Siyempre balik snailmail kapag nangyari at ano ba ang pandikit sa mga selyo at panglakip ng mga envelopes, syempre laway.
  • Sa mga kaaway. Kapag may sinabing masama o nakakapahamak ang kalaban, duraan lang sa mukha, effective na pang-insulto. Take it from the movies and TV series.
  • For hairstyling. Spit an ample amount on palm, spread on hair and style as desired.
  • For shoe polishing. Spit on leather shoe, spread and wipe to shine. Kahit anong kulay pa ng sapatos pwede, unless kulay black or brown ang saliva.
  • Pamatay sa sigarilyo. Duraan lang ang sigarilyo kapag tapos ng gamitin para mamatay na ang baga at usok.
  • Tulong sa bumbero. Kung walang tubig sa lugar, duraan na lang ang nasusunog na establisimiyento, tulong-tulong na lang sa pagdura para maapula kaagad ang apoy.
  • During steamy nights. Kapag walang available na lubricants mainam na alternative ang laway.

Kaya naman huwag ng dumura sa paligid, unethical na kadiri pa lalo’t kung may tao pang maduduraan. Sige, baka kayo ang maduraan dyan at ang masama pa dun ay yung may kasama pang plema!

28 Replies to “Mouthwatering”

  1. david.edward says:

    hindi naman kadiri..eww! hahaha

  2. Igor Lee says:

    Sorry to tell you my friend but it turns out I’m one of them.

  3. Micaela says:

    kairita rin yang mga yan.. unethical talaga

  4. Shari says:

    Tama bang gawing excuse ang dry spell? Namaaan!

    Hahaha! Kulit!

  5. Mike says:

    walang tatalo sa laway bilang lubricant! hahaha!

  6. Anonymous says:

    kakainis nga talaga ang mga taong dura ng drua, gusto ko tuloy tahiin ang mga bunganga nila…
    tama si mike, walang tatalo sa laway para gawing lubricant… ang maganda pa nito libre, hindi na kailangan bumili ng lube…lol

  7. Anonymous says:

    kakainis nga talaga ang mga taong dura ng drua, gusto ko tuloy tahiin ang mga bunganga nila…
    tama si mike, walang tatalo sa laway para gawing lubricant… ang maganda pa nito libre, hindi na kailangan bumili ng lube…lol

  8. niknok says:

    haha kadiri tlga ,ga dura ng dura…

    minsan may nakasalubong akong seksing babae, nainsecure pa nga ako kse ang ganda nya at ang tangkad pa…tapos biglang dumura sa kalsada parang kargador lang…eeww!

  9. Arlo says:

    Bakit hindi mo sinita ‘yung mga sumisinga ng sipon at mga nangungulangot sa daan? Kadiri din ‘yun.

  10. YNA says:

    Akalain mo, marami palang silbi ang laway!

  11. dotep says:

    laway?

    ang isang magandang gamit niyan ay alarm clock/pang-gising sa umaga.

    yan kasi ang ikinagigising ko kapag basang basa na ng laway ang unan ko…

  12. Na-trauma ako sa laway. Isang beses kasi, nadurahan kasi ako sa buhok. Yuckity yuck yuck. Bwisit kasi, dura ng dura kung saan-saan. Nakatikim siya ng suntok galing sa Impiyerno and buti naman ay di siya pumalag. Di ko kailangan ng patawad, ganti lang.

  13. Gean says:

    Ambaboy nga ng mga ganyang tao, dura ng dura kung san-san.

    Lalo na yung matatanda na iba, parang naninimot pa ng plema.

  14. LOL. Naku! Asar talaga ‘yung mga taong ganyan, lalo na kung muntik ka pang tamaan. Dati habang bumababa ako sa hagdanan ng isang mall at napahawak sa gilid, nagimbal ako ng makita ko na may laway ‘yung kamay ‘ko! Ang saya!

  15. Anonymous says:

    dinurang laway sucks, lalo na kapag plema. eew talaga. walang breeding (wow, aso?!?!).

    yun lang.

  16. aaronjames says:

    yeah, spitters should do in proper place naman. but i like your ideas how to productively use it. napakagaling na alternative. haha. pinakaastig ung gagawing lubricant, haha

  17. RV Vitorio says:

    laway as lube = the best. kaya naman yata talaga sya andyan. isipin mo nalang kung wala, lahat magiging dependent sa artificial lubes lol.

    mas nakakadiri ung mga dura ng dura tapos aapakan pa ung dura nila ng parang walang bukas habang ngingiti ngiti sa paligid. shet talaga, nakakainis. hehe.

  18. RV Vitorio says:

    may new link na pala ako.

    http://phonologist.wordpress.com.

    buhay pa rin naman ung sa blogspot, pero mas magiging active na ung sa WP. 😀

  19. yatot says:

    pwedeng lube ha?! hahahhaa… kakapanood mo iyan siguro ng porn no! hehehhe (^_^) V

  20. jojitah says:

    pwede din siyang palaman sa pandesal pag medyo kinapos sa budget. 😀

  21. Lalon says:

    dapat ipagbawal yung pagdura kung saan saan.. or maglagay ng public spitting spots.. or kung hindi naman talaga kayang pigilan na madura eh himukin na lan gna dumura sa lupa then tabunan ng lupa yung spit kesa naman sa kalye di ba?

  22. Jigs says:

    Pamatay sa sigarilyo.

    – EWWWW! My cousin fucking does that! Its really disgusting!

    Tulong sa bumbero.

    – Hahahaha! This is hilarious because my little cousin did it once before! Actually, hindi umabot yung laway niya kasi naman hindi siya pwedeng lumapit! Hahaha!

  23. JP aka Elmo says:

    Panglaban ito sa dry spell or drought? amp! Lubricant?! pwedeng-pwede! haha!

  24. skwayred says:

    Nakakadiri nga ‘yung mga dumudura at mga dura mismo. Minsan kapag umaakyat ako ng overpass, maraming gano’n sa hagdan eh ako naman di ko maiwasang tumingin sa hagdan since baka madapa ako. 😐

  25. utakGAGO says:

    SHET YUNG PANGHULI. =)) Hahaha.

    Isa rin ako sa mga dumudura – that is, kapag kumakain ng “cool chews, i-cool, mentos” at iba pang mentholated gums. SERIOUS.

    Eww. Acid Rain. Saliva Rain. Hewwwww.

  26. arnel says:

    yun yun eh! laway lubricant LOL.
    pati hairstyling, parang instructions lang ng hair gel haha. astig.

  27. rachel says:

    panalo ung lubricant. hahah!

  28. nelo says:

    haha! lubricant naman talaga purpose nun eh..during steamy nights and also on daytime.

    kadiri talaga yang mga dura ng dura..kahit plema sana wag naman sa kalsada..kahit man lang sana sa may damuhan.

Give me reply and I'll give you a kiss

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 504 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: