Raindrops are Pouring on my Head

Grabe ang nagdaang linggo. Dumaan kasi ang ilang bagyo nitong mga nakaraang araw. Senyales lang na effective ang ginawa kong rain dance para maibsan ang tinatamasang dry spell ng ating bansa lalo na sa part ng Luzon. At talagang nag-rain dance ako in the nude para talagang umepekto, yun nga lang sumobra yata.

Malamang nagdiwang na naman ang maraming students noong nag-declare ng suspension of classes ng ilang araw, 3 days sa isang linggo. Well, kaming in the workforce ay hindi na-enjoy yun. Bumaha ba naman sa karamihang parts ng Metro Manila kaya naman nahirapan kami sa pagpasok sa aming mga offices para lang makapag-trabaho.

Kaya ako rin nahirapan last week dahil nga sa lakas ng buhos ng ulan ay binaha din ang lugar namin. Gagamitin ko na nga sana ang luxury ship ko para pumasok ng trabaho kaso naisip ko na maliliit nga lang pala mga streets ng Metro Manila at baka masira ko lamang ang mga kabahayan na madadaanan ko. Kaya pinili ko na lamang na gamitin ang aming yacht papasok ng office.

Nang dumating ako ng office ay hindi pa rin talaga tumitila ang malakas na buhos ng ulan. Kahit nga kumakanta na ako ng “Rain Rain Go Away” ay hindi pa rin ito tumitigil, sa halip ay lumakas pa ito lalo. Sintunado siguro ako kaya hayun, lumakas lalo ang ulan. Maya-maya lang ay tumaas na nga ang tubig at binaha ang harapan ng building na aking pinapasukan.

Nang nakita ko nga ang tubig sa labas ay nalungkot ako. Hindi dahil mahirap umuwi sa ganitong kalagayan or maraming langgam ang nilunod ng baha, kung hindi dahil nalimutan ko ang aking goggles, swimming trunks at snorkel para sana mag-swimming ako sa baha. Kaya naman labis ang panghihinayang ko. Though pwede naman akong mag-skinny dipping sa baha ay hindi ko na lang ginawa kasi wala nga pala akong dalang tuwalya. Baka magmukha lang akong mummy kung tissue ang gamitin kong pampatuyo.

Humihingi ako ng patawad sa inyo dahil ako ang dahilan ng sunud-sunod na pag-ulan nitong nakaraang linggo. Kaya nga ipinapangako kong hindi na ako sasayaw ng raindance habang sinasabayan sa pagkanta ang mga music video sa MYX.

Ay syet, Ulan ng Cueshé sa MYX. Kanta muna ako saka na pangako ko. Bahala na kayong ulanin dyan!

10 Replies to “Raindrops are Pouring on my Head”

  1. utakGAGO says:

    Pucha! IKAW NA. Ikaw na ang may yate! Lol.

    May pasok kami nung Wednesday. Duga nga eh. Di makatarungan. Nag-zoology long exam pa ko.

    Marami nga akong nabasang posts mula sa ibang blog na nagtatrabaho na tatlong oras pa silang naghintay para sa taxi at kung anu-ano pa.

    Wow, una ako! Saya.

  2. hahaha. walangyang rain dance. super effective!!.. yan tuloy. nagamit mo pa tuloy ng wala sa oras ang iyong YACHT. hahaha. susyal!!

    Next time, ayusin mo ang voicing ng “Rain Rain Go Away” na kanta mo ok? haha. para effective din. or baka kelangan naka Nude ka din habang kinakanta para effective. 😛

  3. Masaya to! LOL. susyal ka naman pala billycoy paambunan mo naman ako ng yaman mo!

    hehe.

    Wag masyadong todo-todo ang pag rarain dance ha! Mabilis bumaha sa pasong tamod este pasong tamo. nahihirapan kaming pumasok sa opisina!

  4. layla says:

    dahil kay Arnel at kay Utakgago (aka Kevin Moses), nakita ko ang blog mo. Ako’y natutuwa sa mga post mo. Link exchange?

    Warning: some posts contain law or legal language. Kailangan nakaharap sa dictionary or sa Wikipedia. Nyahaha.

  5. sirena says:

    sige ipagpatuloy lang ang pagbirit sa saliw ng ‘ulan’ ng cueshe. ‘wag mo na rin kalimutan bumili ng kanilang albums, ang half empty and half full & back to me, para tuluy-tuloy na ang ligaya mo.

  6. dorkzter says:

    wawa naman si B’coy. aku di din nagenjoy sa bakasyon!! amf!! pero f magraindance ka ulit, wag na nude para hindi masyadong grabe ang epekto hehe

  7. yatot says:

    hindi ko din na-enjoy ang vacation na iyan kasi may sakit nung last wednesday at thursday naman rumagasa ang baha sa navotas! amf-ness talaga! so con todo limas ng tumagas na baha sa bahay… pati yung pitong basements namin nabaha din! huhuhuhu…

  8. Billycoy says:

    doubting thomas > hayaan mo, papaambunan ko kayo ng yate ko!

    layla > don’t worry matagal na akong kriminal kaya nakakaintindi na ako ng legal terms

    dorkzter > yaan mo sa susunod kukunan ko na rin ng video at ipo-post ko sa youtube

  9. niknok says:

    salamat sa raindance mo! marami kang estudyangteng napasaya! hehe

  10. sherma says:

    naks! kumakanta na ng kanta ng Cueshe! ganun ba akong katagal na hindi nakabisita dito? hahaha!

Give me reply and I'll give you a kiss

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 504 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: