Guidelines of Fame

Napakadali na lang ang sumikat sa panahon ngayon. Kung anu-anong mga reality shows ang naglalabasan sa TV tapos marami na rin ang nakikilala sa YouTube. Marami ang sumisikat sa TV, movies, radyo, mga print media at maging sa internet, kaya’t hayun kung sinu-sino na lang ang naglalabasang mga celebrity ngayon. Paano nga ba malalaman kung sikat na ang isang celebrity?

  • Nagkakaroon na ng maraming fans at supporters (hindi yung jockstrap)
  • Marami rin ang bumabatikos
  • Laman na ng mga tabloids, dyaryo, magazines, billboards at tissue paper
  • Ginagamit na ang pangalan para sa brand ng hotdogs
  • Pinagkakaguluhan ng media ang private life
  • Pati putok at singaw ng celebrity ay pinakikialaman na rin
  • Bago sumakay ng elevator ay nagpapa-spray muna ng disinfectant air freshener
  • Pinapalayas ang may-ari ng building sa elevator
  • Kinakaaway na rin pati mga kapatid
  • Nakikipagbati sa mga kapatid
  • Nagpapakasal sa mayamang Turko
  • Nakikipaghiwalay sa mayamang Turko
  • Nagkakaroon ng juwawhoopers na dating title holder sa isang beauty pageant
  • Nakikipag-away ang manager sa management
  • Lumilipat na ng istasyon
  • Bilyon-bilyon na ang kinikita sa nagawang computer company
  • Naisasama na sa dictionary ang pangalan
  • Kumakandidato sa election kahit wala naman talagang alam dun
  • Pinagkakaguluhan ng paparazzi
  • Sikat na kapag madalas na mahuli ng pulis dahil sa drunk-driving.
  • Dinadala na sa presinto para makuhanan ng mugshots at makukulong for a few minutes/days.
  • Labas-masok na sa mga rehabilitation centers.
  • Wala ng magawa sa buhay at pumupunta sa iba’t ibang parte ng mundo para lang mag-ampon ng bata.
  • Meron ng sex video nang hindi nalalaman
  • Kamukha lang pala ang nakalagay sa sex scandal
  • Gumagamit na ng pabangong Jo Malone at nagrereklamong nasasapawan siya ng mga pabangong Axe at Charlie
  • Pinagkakaisahan ng Lynch Mob.
  • Umiiyak sa harap ng TV dahil daw pinepersonal siya ng isang tao
  • Binabara ang iyakin sa TV
  • Nakiki-ride na rin ang gobyerno
  • Wala na talagang magawa sa buhay
  • VIRGIN PA

Ilan lang yan sa mga palatandaan ng pagiging sikat. Kaya kung taglay niyo ang lahat ng mga iyan ay walang dudang sikat na nga kayo. Kaya kung nais niyong alamin ang kasikatan niyo ay sundin lang ang aking guidelines.

Pero para mas lalo pang sumikat ay gayahin lang ang pinaggagawa ng batang ito.

Hindi ko na yata kailangang gawin ang mga yan. Wala naman akong balak maging sikat pa.

Because I already am.

19 Replies to “Guidelines of Fame”

  1. yatot says:

    hmmm… virgin pa ako ibig sabihin pwede pa akong celebrity! hahhahahah

    mukhang kilala ko halos lahat ng mga nabanggit mong mga description ha… lalo na yung sa may elevator! at mag-aasawa ng turkish… hahahhaha

    ayokong magpaka-chippendale! hahahha

  2. Malas. Sa lahat ng mga sinabi mo, ddon lang ako sa “virgin pa” nakapasa. Hay naku.

    Now I have a reason to be a celibate…kailangang maging sikat. He he he.

  3. Baklang AJ says:

    sikat ka na pala! pa autograph naman minsan! and like yatot, kilala ko rin halos lahat nung tinutukoy sa listahan. hehe

  4. andianka says:

    naku… talo pa pala board exam ng guidelines dito.. di ako pwede sumikat. pakialaman na lang natin ang mga sikat. katulad ko, nagcocomment sa isang sikat na blog… nyeks… LOL!

  5. bananas says:

    pag sikat na, nago-google na!

  6. Billycoy says:

    yatot > showstopper ka na kaya!

    ishmael fischer ahab > kaya nga mine-maintain ko pa ang virginity ko rin

    baklang aj > sure ba, di lang autograph pati picture at message pa with XOXO

    andianka > di pa namam, wala pa ako dun.

    bananas > ehem ehem aaack bulwakk!

  7. amicus says:

    haha.
    talagang dapat virgin pa?
    hehe

  8. Virginia says:

    ibang klase ka talaga mag-advice, surefire at panay foolproof talaga kapag sinunod, pero kailangan ba talaga virgin?

    ikaw talaga, may ginawa ka nanaman sa cbox ko! wag ganon… hahaha!

  9. Jhed says:

    Sa virgin requirement lang ako sumablay. Awts.

  10. utakGAGO says:

    Ba’t ba proud na proud kaaaang maging virgin?!

    Haha. Balang araw ma-dedevirginize ka rin. MWAHAH *calling L.A Lomarda. Toot.. Toot.*

  11. Billycoy says:

    amicus > oo, mas may hatak yun

    utakgago > kasi virginity na lang ang natitira sa akin kaya kailangang maging proud dun.

  12. Agi says:

    Hindi ba kasama sa guidelines ang “Maraming Comments sa blog”?

  13. isa akong celebrity kasi virgin pa ako at nago-google ang pangalan ko (sabi ni bananas).

    he he he…

    cant touch this!

  14. tannix says:

    Hmmm… mahirap pala talaga ang maging sikat. Gusto ko sanang sumali ng circus kaso wala namang ganun dito sa aming area.

    Siguro eh sisikapin ko na lang maibalik ang aking nawalang virginity.

  15. sherma says:

    kung si jhed, sa virgin requirement sumablay, sa case ko, it’s the other way around… =)

    lufet ng batang yun, ah… paano mo natutuklasa ang ganyang video? hanga ako sa’yo sa tyaga mong maghanap ng ganyan, tulad dun sa “saging lang ang may puso…” hahaha!

  16. yeye says:

    oo na sikat ka na wehehehe virgin ka pa kasi harhar

  17. Xienahgirl says:

    sikat ka talaga.
    yung description
    ikaw na ikaw e.

    ang catch?
    mas sikat ako sa iyo.
    extra virgin kasi ako.
    wahahaha.

  18. Anonymous says:

    extra olive virgin oil naman ako….

    kailangan ko rin bang sabihin sa buong mundo na virgin ako para maging sikat katulad mo…

    naghahanap ka ba?
    gusto mo hanapan kita? 🙂

  19. yuriki.kun says:

    “- VIRGIN PA”

    talagang ba dapat kasama to?

Give me reply and I'll give you a kiss

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 504 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: