Destroying the ‘Block’

  1. Nakatulala sa isang tabi
  2. Hindi mapakali
  3. Ang nakaraan minuni-muni

Siguro nakaranas na kayo ng mga ganyang pagkakataon. Hindi yung pag-e-emo ang binabanggit ko. Heto yung mga instances na nabablangko ang isipan lalo’t sa mga panahong kailangang may gawin. Tinatawag natin itong mental/creative/writers’ block. Lahat naman nakakaranas ng mga ganitong pagkakataon unless hindi kayo kasama sa species ng homosapien.

Ano ba ang dahilan ng mental block? Usually, psychological ang reasons ang factors nito. Gaya ng depression or anxiety na talaga namang humahadlang sa pag-flow ng maayos ng utak. Hindi ko lang alam kung bakit ang mga emo ay nakakapagsulat pa rin kasi napaka-depressed ng buhay nila—or trip lang nila maging depressed. Kasama rin ang sex sa dahilan ng pagkakaroon ng mental block dahil sarap lang naman ng orgasm ang naman ang papasok sa utak kapag naabot na ang rurok—pero pansamantala lang.

Marami pa rin namang paraan para labanan ang mental/creative/writers’ block or kung di man kahit i-prevent lang ito or limitahan ang madalas na pangyayaring ito.

  • Relax lang. Kapag tensiyonado or preoccupied ang utak mas madalas nangyayari ang mental blocks. Kaya breathe in, breathe out, wax in, wax out. Ganun lang, pwede ring mag-take ng yoga lessons. Pwede ring lumaklak ng anesthesia para maging manhid at maging relax ang buong katawan.
  • Healthy lifestyle. Regular na exercise at proper nutrition syempre para laging healthy ang pag-iisip. Healthy ang pakikipagsex dahil exercise na rin ito. Nutritional din ang sex, pero syempre depende naman yun sa gagawa ng act.
  • Explore the world. Tandaan na may outside world pa. Lumabas kahit paminsan-minsan at gawin ang ilang bagay na di pa nagagawa. Kumain ng gulong, maghilod gamit ng steel wool, kayurin ang kahoy gamit ang kuko at abutin ang noo gamit ang dila.
  • Back to Basics. Madalas dahil sa sobrang advance ng ating pag-uutak ay nao-overlook natin ang maraming bagay kaya mainam ang masimula muli sa basic. Pwede ring pakinggan ang recent album ni Christina Aguilera na Back to Basic.
  • Gather updates. Sa mga latest na mga happenings dun din kadalasang nakakakuha ng idea kaya be sure na updated parati. Kunin ang cable ng DSL at i-plug sa ulo para laging makakuha ng latest updates.
  • Shaken up. Minsan kailangan lang na ‘maalog’ ang utak para maka-recover sa pagkakaroon ng mental block. Ihampas ang ulo sa concrete wall or i-umpog ang ulo sa monitor at for sure na babalik ang kamulatan.
  • When all else fails. Kung wala na talagang paraan, kumuha na lang ng kutsilyo or razor blade at maglaslas na lang. Pero ganito na lang, tanggapin na lang na wala talagang laman ang utak. Acceptance is the only key.

Malaking pasakit talaga ang mental block sa marami. Lalo’t kapag nasa trabaho na, hindi lahat ng pagkakataon ay may inspirasyon na mapagkukunan. Imagine shooting bullets with an empty shell.

Pero, hindi lang naman creativity ang pwedeng “paputukin”, hindi ba?

13 Replies to “Destroying the ‘Block’”

  1. Bonaks says:

    Yey! Erste!!! I mean, first! hahaha nagulat ako na hindi mo linagay ang “watching porn” jan sa listahan mo. [what am I saying…?!?!?] Hmmmmm…para sa akin, minsan ang pagluluto nakakatulong. pero depende na yun sa tao. hahahaha. writer ka ba? wait nga, closet emo ka ba? hahahaha

  2. Jerome Nadal says:

    Para malunasan ang mental block, sa tingin ko, kailangan lang intindihin ang balangkas ng pag-iisip. Walang magic ito, simple lang. Ang pinaka-unang intindihin ay ang konsepto ng utak bilang isang self-organizing sytem. Dalawa sa mga sub-systems ng utak ay “pattern-making”, i.e. “the brain works by providing an environment in which sequences of activity becomes established patterns” at “catchment” – “each pattern has a wide collection basin so that a variety of inputs will give the same output”. sa mental block, ang nangyayari kahit anong pag-iisip mo o kaya’y input, sa tingin mo walang nangyayari. Ang ibig lang talagang sabihin, however hard you try to think, you end up with the same, normal, logical conclusion. Walang panibagong insight man lang. Ang solusyon ay madali: lumabas sa “catchment” o basagin ang “pattern” sa pamamagitan ng pagtanaw sa ibang mga bagay na sa isang tanaw ay walang karela-relasyon sa iyong iniisip. Hindi ko ito orihinal na pag-iisip. Ito’y payo ng isang dalubhasa, Edward de Bono, sa kanyang obrang “The Mechanism of the Mind.”

  3. mr_d says:

    kung mag call boy pala ako matatanggal ang mental block sa mental ko? cool. yun ay kung may gusto sa aking makipag sex…

  4. djjohn1059 says:

    hey billycoy! you always make me laugh…hahaha…pampagana on weekends on my boardshifts sa radyo pag malamig sa booth at boring yung mga songs….ima dj kasi eh…taga-spin lang…

  5. jojitah says:

    tama ka.. “acceptance is the key.” lubhang nakatulong ang entry na ito sa’kin.

  6. yatot says:

    ang jerome nadal… nag-lecture! hahahhaa…

    halos lahat naman ng mga writers nakakaranas ng mental block eh

    kaya kailangan laging may nakareserve sa imbakan ng utak…

    ang ginagawa ko, sinusulat ko kaagad ung mga naiisip ko.. kaso minsan nga lang e mga bastos ang mga ito… so hindi ko din nagagawang isulat kasi parang tinatablan ako! wahahahhaha…

    regarding dun sa post ko: e di magsumbong ka! samahan pa kita! ;P

  7. Lalon says:

    Hindi pwedeng hindi ako mag-comment dito dahil sobrang uninspired ata ako ngayon, or may chronic mental stagnation or sadyang tinatamad lang haha.. la pa rin akong updates.. anong petsa na. 😛

    Listen to Christina Aguilera’s back to Basics? Sobrang worth it.. haha ang bias ko.. it’s a really substantial pop album.. medyo nakulangan lang ako ng ’20’s, ’30’s, ’40’s influence.

    Her live performances of the songs there are equally spine-chilling too.. bigay na bigay sya. 🙂

    Haaay I need to go out.. explore the world and look for some inspiration. Am I seeing myself traveling? Who knows?. Basta isa ang alam kong sigurado kapag medyo tuliro ka.. Masarap mag-travel mag-isa lalo na kung malayo. 😀

  8. dorkzter says:

    wag naman iuntog ang ulo sa monitor, sayang ang monitor. sa wall nalang. hehehe.
    sana nga magkron n ng gnun ung ipaplug nlang ung cable sa ulo mo. then un. really convinient. 🙂

  9. andianka says:

    ako mental block? hindi eh.. walang gana. lagi na lang walang gana. ahehehe! ikaw? alam ko kung bat ka namemental block.. kulang ka sa sex. este mali, wala kang sex life. kawawa ka naman. hahahah! ipagdidiinan ko pa sana na wala ka talagang sex life, pero wag na lang. nakakaawa ka na eh. tsktsk. hahahhahah!

    kita mo pati comment mental block ako. LOLS!

  10. sherma says:

    pag gumagawa ako ng assignments, lagi ako ng inaatake nyan… huhuhu…

    when all else fails: press ctrl+alt+del… =) may ganyang t-shirt yung friend ko…

  11. hainaku.

    la akong masabi.
    dabest pa rin talaga ang mga entries mo.

    well eniweiz, yung iba kasi nag-e-emo-emohan lang.

  12. yeah sobrang nakaka pagpabago ng buhay ang anxiety.

    i had series attacks (because of G.A.D.) netong mga naka raang buwan pero na lampasan ko na. sanay na ako na naprapraning ng walang dahilan. hehe

    mental block. suki ako neto nung college (or kahit hanggang ngayon).

  13. mats says:

    NaMiss ko naman ang sit moh!! GAHH!! Matagal-tagal din akong MENTAL BLOCK EH!! Asus!! Agree na lang kaya ako kay Anka… na wala kang sex life!! muahaha!!

Give me reply and I'll give you a kiss

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 520 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: