Lured by a Beauty

Galing ang pic sa multiply page ni KC tapos dinagdagan ko na lang ng ibang kalandian. Feeling highschool lang.

“Masaya na akong tinutunghayan ang isang bituin sa langit dahil kapag ako’y lumapit mapapaso lang ako.”
– Billycoy

Nitong Linggo ng gabi, napababad na naman ang mga mata ko sa TV. Halos masunog na nga ang mga eyes ko dahil hindi na yata ako pumipikit habang nanonood. Hindi ko na nga rin mapigilan ang laway ko sa patuloy na pagtulo habang nakatunganga sa harap ng telebisyon. Lumulutang na nga rin ako at di ko namamalayang hinahatak na ako papalapit sa TV. Paanong hindi ako mahahalina ng TV that night, docu kaya ng last days sa Paris ng aking supercrush to the ultimate level na si alluring luscious classy hearthrob na si KC Concepcion.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapatutok sa TV talaga. Tuwing matatapos ang mga TV ad at babalik na sa programa ako’y mahu-hook muli sa TV, mapapabuntung-hininga, kumislap-kislap ang aking mga mata, mapapangiti na aabot sa bunbunan, magliliparan ang mga paru-paro, langaw, lamok at kuto at tutubo ang mga bulaklak ng calachuchi sa paligid. Ganun pala ang feeling ng in love, nagkakaroon ng maraming special effects.

Sa sobrang ganda kasi ng anak ng Megastar, hindi ko na mapigilang mahibang. Gusto kong maulul sa kinauupuan, umalulong na parang coyote at mangagat ng mga jologs para magkaroon na sila ng rabies. Ano ba kasi ang meron sa ganda niya at kay dami na tuloy ang mga lalaking nagkandarapa at nababaliw sa kanya? Dumadami na tuloy ang aking karibal at mas lalong bumababa tuloy ang aking probability rate na magkatuluyan kami.

Ngayon, nabigyan ko na rin ng linaw kung bakit hindi pa ako nagkaka-girlfriend until now. Si KC lang pala talaga ang napupusuan ko. Nabihag na ng kanyang kagandahan ang aking damdamin. Siguro we are destined to be together kaya wala pang ibang ipinagkakaloob sa akin. Siya lang pala ang babaeng hinihintay ko habang buhay. Bakit hindi ko alam yun?

Sayang nga lang dahil balita ko sila na raw ni Direk Lino Cayetano. Bigo ako. Ok lang yun, willing naman akong maghintay para kay KC. Kung hindi man ngayon, siguro in the future. Pero open din naman ako sa option na kahit maging kabit na lang ako.

Kung dumating man ang panahon na meron na akong ibiging iba, huwag mo na akong hintayin KC.

23 Replies to “Lured by a Beauty”

  1. Anonymous says:

    hehehe! huwag kang mawalan ng pag-asa katoto. di hamak namang mas magandang lalaki ka kay direk

  2. Talamasca says:

    Everybody say:

    Aaaaaaaawwwwwww!!111

    *gives Billycoy a virtual pat on the back*

  3. david.edward says:

    talaga namang pinagpuyatan ang TV special! wahahaha..
    sabagay nung Monday maaga akong umuwi para manood ng Zaido.. nakita ko ulit si Le-ar kaya lang ang liit na ng mukha! bwahahaha.. iba ang feeling,,

  4. Arlo says:

    Hindi ko inaasahang magkakalaban tayo balang araw. Oh well, sa’yo na Pare. We’re long over. O_o ???

  5. Arlo says:

    I left her with good memories naman. ‘Yun nga lang talaga, tapos na kami. O_O !!!

  6. Micaela says:

    Awwwww 🙂

    Napaka-romantic mo pala Billycoy Dacuycuy, ang future son-in-law ni Megastar!

    Sayang hindi ko napanood yung TV Special niya.

  7. Billycoy says:

    anonymous > tama ka dyan kumpadre, yun nga lang di ako kasing yaman ni direk.

    david.edward > mas mukha pang Le-ar si Tiya Pusit

    arlo > sure kayo long over na kayo, buti naman!

  8. Anonymous says:

    paano naman ako? akala ko ba nasa akin yang puso mo? sayang!!!!

    joke lang….

    go for it!!!

  9. Anonymous says:

    hello interested to have your name on my subdomain? you can have your own subdomain for free!! all u have to do is sali sa pakontest s ablog ko! simple lang i ask a question and first 5 people who will answer will be on the poll people will vote and who ever have the highest vote will win the smart award and a subdomain that u can use for as long as I own my domain! interested? please visit lang pod dito http://bytheway.kyira.org/2007/09/smart-award.html sorry if mataas to ha:)

  10. yatot says:

    aaaaw-ness to you billycoy!!! parang high school ang dating! hahahha

  11. utakGAGO says:

    PUCHA. Nanood din ako nyan nung SUNDAY and I hafta say… SHET. Super KRAS ko na yang si KC Concepcion..

    Tas natutuwa pa ko sa mga french words. “Plaz de la Concorde.” Haha. Ang kyut.

    🙂 Basta kras ko siya. 😡

  12. Marami talagang nagaagawan kay KC Concepcion, parang mga batang nagtatalunan sa kendi. Tsk. Tsk.

    Anyway, I’m sure na makukuha mo ang puso niya, pero kung ayaw niya eh malas niya. Haha.

  13. Billycoy says:

    anonymous > katawan ko pa lang ang nasa sa iyo, di pa ang puso ko. LOL.

    utakgago > kaso masyado ka pang bata para sa kanya, kaya sorry di ka uubra.

    dan hellbound > di ko kukunin ang puso niya, gusto kong buhay siya kapag naging kami.

  14. billycoy tinag kita sa Desktop Free View. game na game na. hehehe

  15. Virginia says:

    pinanood ko din kasi tulad niyong lahat, gusto ko din makapunta ng paris!

    obsessed ka na ata eh, adik! at utang na loob pa ni kc kapag may iba ka na…

    pero malay mo… dreams come true di’ba…? goodluck!

  16. flattered naman ako! 😉

  17. wahahahaah! syet.. (ahmmmm)

    la lang.. ngayon ko lang napansin cute pala si Kasi Cool! waaaaaaaa KC.. Kasi Cool 😛

  18. utakGAGO says:

    MAS LALO NAMANG DI BAGAY SAYO SI KC! Hindi siya mahilig sa mga DOM na tulad mo mwahaha

  19. Billycoy says:

    utakgago > uy she’s just two years younger than I do, kaya match kami.

  20. Nash says:

    ahaha go lang ng go Coycoy :p maabot mo din ang pangarap mong bituin nyehehe

  21. Mr_Ilham says:

    LINK EXCHANGE WITH ME

  22. tingtingz says:

    astigin, na kaya mo pa yong sabihin? haaaaaaaaa!!!!!c KC kaya yon… okeeeeeeeeey’zzzz!!!!

  23. tingtingz says:

    astigin, nasabi mo pa un?
    lakas ”’ c KC kaya un…
    okeeeey’zzzzz!!!!!!!!!
    helllleeer,,,,,

Leave a Reply to utakGAGO Cancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 509 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: