NBN Project: Speeding Up the System?


Nagkakagulo na naman ang gobyerno para dyan sa ZTE Broadband deal or yung National Broadband Network (NBN) project. Heto kasi yung pagpapagawa ng internal network para sa ating government offices. Very ambitious ang project na ito kaya naman marami ang tumutuligsa dito.

Na-pick up na rin ito ng media at ganun din nasa imbestigasyon na ito ng senado. Nagkaroon na naman kasi ng kung anong anomalya dito as usual. Sa hype na nagaganap sa NBN project na ito ay talaga namang nakagawa na ito ng gulo. Ano nga ba ang meron dito sa broadband deal na ito at talagang tinututukan ito ng media, masa at senado? Ano ba ang mangyayari kapag naayos na ang deal na ito? Bakit ba big deal ang sa gobyerno ang pagkakaroon ng broadband internet?

  • Makakapag download na sila ng mp3’s at magiging updated na sa mga episodes ng Heroes, Prison Break, Lost, Desperate Housewives at Zaido sa pamamagitan ng Limewire at Torrent.
  • Instead na sa telepono dadaanin ang usapin tungkol sa dayaan sa susunod na eleksyon ay dadaanin na lang ito sa chat sa YM, AOL Messenger, Skype at kung ano pang IM softwares.
  • Pwede na ring makausap ang mga government officials sa mga conferences at sa mga chatroom gaya ng Metro Manila Barkada o sa chatrooms ng MIRC.
  • Pwedeng daanin ng gobyerno ang pakikipag-deal sa black market gamit ang Ebay.
  • Instead na National ID ang gagamitin para sa identities ng mga citizens ng bansa ay gagamitin na lang ang Friendster, Multiply, Myspace at Facebook para sa ating pagkakilanlan.
  • Makakapaglaro na sila ng mga online games na walang interruptions at mabilis ang connection.
  • Magiging updated na rin sila sa mga nangyayari sa iba’t ibang panig ng mundo at sa mga tsismis sa Kim-Gerald loveteam.
  • Mabababasa na ng marami ang blog ng mga may katungkulan sa gobyerno.
  • Mapapasok ng virus ang mga computer ng gobyerno dahil marami sa kanila ang mae-engganyo sa mga pornsites.
  • Marami ng government workers ang mag-o-overtime dahil mawiwili sila sa mabilis na internet.
  • Mas lalong hindi na magtatrabaho ang mga politiko at mga government employees.
  • Mauuto sila ng mga SPAM sa e-mail.
  • Actually, kaya inaayos nila ang gusot ng project na ito para mahanting na nila si Boy Bastos.

Iba talaga ang power ng internet para sa ating mga politiko. No wonder kaya pala gustong gusto nilang ma-implement ang project na ito sa gobyerno. Kailangan nga ba talaga ng ating gobyerno ng broadband internet? Kung bibigyan nila ako ng 200 bakit hindi?!

8 Replies to “NBN Project: Speeding Up the System?”

  1. Anonymous says:

    oo nga katoto! ewan ko kung aware ka pero most of these ay talagang ginagawa sa mga government offices. i know since dati akong it employee sa isang government agency directly under the office of the president…

  2. Billycoy says:

    anonymous > kung malaki lang pasweldo ng gobyerno, magtatrabaho ako dun.

  3. Arlo says:

    At magkakaroon pa ng sideline ang mga empleyado ng gobyerno. CD Burning. Your Choice of Songs! Patok ‘yon!

  4. Ederic says:

    Billycoy, may 200ba tayo riyan? :p

  5. Billycoy says:

    ederic > yun nga rin inaabangan ko, kaso mukhang 200 years pa bago makuha

  6. Agi says:

    Lalo lang tatamad ang mga government officials pag nangyari ang ZTE broadband deal, hindi na sila makakapag Sustaflip

  7. nahuli na si boybastos!!

    alam ko yun ang unang step nila kasi malaking contender to para sa nbn project…

    😉

  8. utakGAGO says:

    @kingdaddyrich honga no!? lol.

    nako nung pinanood ko yung paglilitis dyan sa zte project na yan – aba naasar ako kay abalos!

    pero somehow, medyo aggresive nga ang mga senators na nagtanong sa kanya non.

    😀

Give me reply and I'll give you a kiss

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 520 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: