Blog Action Day: Let’s Clean Up Our Act

Modern na talaga ang panahon ngayon. Ang daming ipinagbago simula noong lumabas ako sa mundong ibabaw. Akala ko kasi noon hindi na magbabago ang damit noong 80’s na may mga shoulder pads at ang sandamakmak na spraynet sa bangs ng mga kababaihan noon. Dumating ang 90’s, nagbago ang lahat. Matapos akong magsawa kay Pong Pagongโ€”na kamukha kapag may suot akong baseball capโ€”sa Batibot at sa kakalaro ng G.I. Joe, nauso naman ang mga loose shirts and pants, at pati ang mga nakamamatay na gel-infested spiked hair. Bukod sa pananamit at mga uso, marami ring nagbago, lalo na sa ating environment.

Laking Maynila ako, kaya naman sanay na akong lumanghap ng sariwang usok mula sa mga tambutso ng mga bunganga at sasakyan. Immune na rin akong makita ang nagtatambakang basura sa paligid at masuka sa nakakaduwal na amoy ng mga basura. Bagamat sanay na ako sa ganung kapaligiran, nasa-suffocate na rin ako. Hindi naman kasi ito katulad ng drugs, rugby o marijuana na kapag nalanghap ay nakaka-adik singhut-singhutin. Gusto kong mabago ang mundong ginagalawan ko.

Nakakatuwang pakinggan ang mga elderly kapag nakukwento nilang nakakapag-skinny dipping pa sila noon sa dating malinis na ilog. Ngunit ngayon, subukan lang maligo sa mga ilog na iyon ay hindi na nila magagawa. Makakasabay na rin sa paglangoy ang mga basura at taeng palutang-lutang dito. Baka nga sa sobrang dumi ng mga ilog na ito baka pati ang mga jerbaks ay bumara na lang ito sa mga butas ng ilong, ang masama pa ay may pumasok sa bunganga at mabulunan pa. Hindi na nga rin siguro nakakagulat kung maka-swimming ang mga bangkay o parte ng katawan ng mga chop-chop victims sa ating mga ilog. Ang pagsisid sa mga ilog ng Maynila ngayon ay katulad na rin ng paglangoy sa mga septic tanks.

Kung gaano katindi ang traffic sa Metro Manila, ganun din o higit pa kalala ang pollution na dulot na ito. Tanaw na tanaw nga sa langit, lalo na sa oras ng paglubog ng araw, ang tindi ng kapal ng smog sa langit. Aakalain ngang end of days na dahil sa kapal ng usok sa langit. Normal na yatang makitang brown ang kalangitan natin ngayon. Hindi na nga sorpresa ngayon kung bakit marami na yata ang mga batang ipinapanganak na may asthma or any lung-related disease. Pero bakit ganun, kahit ang mga adik na sanay na sa usok ng sigarilyo at droga ay ayaw din nila ang mga usok ng sasakyan at ng air pollution?

Ironic nga, marami na ang taong natututong maglinis ng mga katawan nila pero ang paligid naman ay palala ng palala ang sitwasyon. Heto nga lumalala na ang global warming. Kung ako ang gagawa ng solusyon dito, ipapasinghot ko sa lahat ang usok sa ere at kapag namatay sila sa pagsinghot sa smog ay gagawin kong fertilizers sa mga puno ang mga bangkay at pagpiyestahan na sila ng mga uod at bulate.

Hindi pa naman huli ang lahat, pwede pa nating mabago ang sitwasyon ng ating mundo. Nararapat na tayong umaksyon ngayon din at muling baguhin na ang ating kinagawian. Kailangan pa ba nating makitang burak ang lumalabas sa mga gripo natin at makakain ng tae para lang malamang malala na ang sitwasyon ng ating mundo?

16 Replies to “Blog Action Day: Let’s Clean Up Our Act”

  1. P0ytee says:

    Naks, ang haba at seryoso naman ng Blog Action Day post mo! ๐Ÿ™‚ Parang pumogi ka pa lalo. Hehe.

  2. xienahgirl says:

    tsk tsk tsk.
    seryoso?
    hindi rin.

    hindi kaya dulot yan
    ng palagiang pakikinig
    sa kantang fashionista
    sa gym?

    sa kadudugo ng ilong mo
    nawawalan na ng dugo utak mo.
    ๐Ÿ™‚

  3. yatot says:

    naks naman.. meron ka din palang blog action day entry… ๐Ÿ™‚

    teka… pinasulat mo lng ba ito sa kapitbahay nyo o sinapian ka na naman ng mabuting ispiritu? ๐Ÿ˜›

  4. Billycoy says:

    p0ytee > wow thanks. lagi naman akong nagwapo. LOL.

    xienahgirl > pati ata utak nawawalan na.

    yatot > seryoso ba talaga sulat ko? eh parang mabantot nga eh!

  5. sirena says:

    knock knock!

    si billicoy po?

    parang ndi ikaw, parang ndi hearthrob ang nagsulat. tsk tsk…

    napakomento tuloy ako bigla. sa susunod ba ay may mga poster na kaming aasahan na pakalat-kalat sa kalsada, kasama ang mukha mo at ni lito atienza?

  6. mats says:

    Ikaw ba yan billycoy?

  7. Talamasca says:

    Sniff. I think I’m gonna cry now!!11

    Hmmm… What more can I say? Gross? Eew? But I daresay effective. But still gross. ;-p

  8. Billycoy says:

    sirena & mats > ako pa rin ito, maniwala kayo! ganun ba kaseryoso ang post na ito? ang baho pa kaya!

    talamasca > pasensya na kung tumulo uhog mo sa keyboard at naging muta na ngayon ang luha mo.

  9. nag sign up din ako dito pero tinamad ako gumaa ng blog post. mas mabuti na ung sa gawa kesa sa salita lang.

    ayun… sana hindi lang to sa blog.

  10. Habang binabasa ko ang post nato, unti-unti ay nakakaamoy ako ng tae. Ganon ba katindi ang kapangyarihan mo pag seryoso ka?

    At ikaw ba talaga yan, Billycoy? Sinapian ka ba? Ano kinain mo bago ka ginawa ang post nato?

    Hay. Basta, maganda ang post nato. Socially relevant pero nakakaaliw. Hinahangaan talaga kita!

  11. niki says:

    maganda ang post na ito (nakijoin sa tagalog hehe)

    sana nga di as occasional ang concern natin sa kalikasan as our occasional blogging tungkol sa kanya. =)

  12. Anonymous says:

    Sa wakas nakabasa rin ako ng topic na matino sa blog na ito. Unbelievable.

  13. Billycoy says:

    dan hellbound > baka naman kasi napautot ka kaya may naaamoy kang tae.

    niki > gaya nga ng sinabi ni doubting thomas, mas mabuting isaaksyon na lang ito kaysa sa isulat. at ang aksyon di lang din dapat minsan ๐Ÿ˜‰

    to all > teka? lagi namang matitino at seryoso ang mga isinusulat ko sa blog kong ito ah?!

  14. chillidobo says:

    too much pollution can kill us… sa totoo lang. Mabuhay ka Billycoy

  15. waa di ako naka post.. huhuhuhuh…

    About Taste Asia 3: wahahaha.. binalot ko na eh.. tapos naubos ko na rin! nyahahaha! ๐Ÿ˜›

  16. lemuel says:

    hinde ko gusto ang babaing ma-arte at malandi ang gosto k0 yong sempli lang pero rock.

Give me reply and I'll give you a kiss

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 520 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: