Don’t Lie to Me


Woah Nelly! Nakaka-199 posts na pala ako dito. So kung 199 ngayon, ang susunod 200 na. Sabagay, alanganin namang maging 201 kagad yun. Marunong naman akong magbilang kahit papaano, kahit hindi ako mahusay sa Math. At dahil, 199th post ko na, medyo eyspeysyal ang post ko. Marami na ring gumawa nito pero gagawin ko na rin para naman makilala niyo ng maigi ang inyong lingkod.

TRUE or FALSE

Panuto: Sagutan lang ang mga sumusunod ng True or False. Syempre True kung totoo at False kung kabalbalan at kabulbulan ang mga sinasabi sa statement. Madali lang naman di ba? Parang elementary lang. Unless, hindi kayo dumaan ng grade school. Ok Game?

  1. Ako ay isang dakilang demigod na mayroong katakam-takam na katawan at makalagas-bulbul na kagwapuhan.
  2. Pinakapaborito kong mga tao sina Cristy Fermin, Mahal, Jobert Sucaldito at Madam Auring.
  3. Estudyante at mag-aaral ako sa isang kinikilalang university.
  4. Napapakinggan ko ngayon—sa mga oras na tina-type ko ito—sa FM radio ang jingle ad ng UniversiTV.
  5. Isa akong kilalang showbiz personality.
  6. Ang paborito kong puppet sa Sesame Street ay si Elmo.
  7. Ako ay chinito, kumikislap sa kaputian at makinis ang aking kutis.
  8. Tatlong CD lang ang porn ko sa bahay.
  9. Nakatira ako sa Makati.
  10. Nakakuha na ako ng Starbucks 2008 planner.
  11. Si Suri ang baby nila Angelina Jolie at Brad Pitt.
  12. Ako ay hiphop.
  13. Gusto kong sawsawan ng fried chicken ay ketchup.
  14. Nagkaroon na ako ng girlfriend.
  15. Ako ay certified tried and tested virgin.

Iyan na lahat ng True or False test tungkol sa akin. Kaya sa kung sinuman ang nagbabasa ngayon ay sagutin na. Ang hindi sumagot ay mawawalan ng butas sa puwet at sa bunganga lalabas ang jebs nila.

Prizes:
Ang may pinakamaraming tamang sagot ay makakatanggap ng masigabong palakpakan at isang yacht na babagsak mula sa langit.

3 Replies to “Don’t Lie to Me”

  1. FerBert says:

    certified tried and tested virgin? hahaha

    salamat nga pala sa pagdalaw sa blog ko repakol…

  2. jeniffer says:

    ..ui!! miss na kita pareng billycoy! meey galo ka na ba sa akin? naku ikaw meron.. kiss!! 🙂 hehehe..

    anu ulit un? virgin? naniniwala ako pare.. hehe.. 🙂

    http://www.taratsilipin.wordpress.com
    http://www.walongbote.co.nr
    http://silentagony08.multiply.com

  3. yatot says:

    bumagsak ako sa aking inuupuan sa mga false statements na naririto! wahehehhe… merry christmas and happy new year nga pala sau!!!

Give me reply and I'll give you a kiss

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 504 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: