New Year’s Resolution


Manigong Bagong Taon sa Lahat!!!

Late na ba? Hindi pa, kahit sa February o sa November naman ako bumati ng “Happy New Year” pwede ko namang gawin yun. Walang pakialamanan, yun ang trip kong gawin. Pero dahil ngayon ay 2008, tapos na ang 2007—syempre. Maraming pagbabago at maraming nais baguhin. Kaya sisimulan ko ang taon at first time ko sigurong gagawin ito, ang gumawa ng New Year’s Resolution.

Hindi na ako magiging mahalay, malibog na lang.
Ako magiging wholesome? Asa kayo dude!

Lagi na akong magsasabi ng totoo.
Kailan ba ako nagsinungaling? Sa sobrang pagsasabi ko nga ng totoo lumalabas lalo ang kahalayan at kababuyan ng pag-iisip ko.

Hinding-hindi na ako manonood ng porn.
Manonood na lang ako ng liveshow. Mas exciting ang mga live!

Hindi ko na titirahin sina Madam Auring, Cristy Fermin, Mahal at Jobert Sucaldito.
Mga naggagandahang babae na lang.

Lie-low muna sa pagiging gwapo.
Para naman umangat ang level ng mga pangit… kahit papaano.

Ipu-pursue ko na ang aking singing career.
Para umulan at mabawasan ang init na dulot ng global warming.

Mas dadalasan ko na ang aking happy time sa banyo o kwarto.
Paraan ito para makaiwas sa prostate cancer.

Hindi na ako magbabasa ng FHM.
Hustler at Penthouse magazines na lang ang babasahin ko.

Hindi na ako magyayabang.
Hindi naman talaga ako mayabang eversince. Ano ba magagawa ko kung inborn na ang aking kagwapuhan at natural akong nuknukan ng sex appeal?!

Magfo-focus na ako sa aking career.
Kakalimutan ko muna ang paghahanap ng aking soulmate at future juwawhoopers. Sila na lang ang kusang lalapit dahil sa tindi ng aking charisma at mouthwatering sex appeal.

At ang huli sa lahat…

Hindi ko tutuparin ang mga nasa New Year’s Resolution ko.
Ano ako timang?

Ay oo nga, timang nga ako!

11 Replies to “New Year’s Resolution”

  1. tannix says:

    Ah, mukhang mahirap tuparin ang mga new year’s resolution na inilagay mo rito, lalo na yung di panonood ng porn. Parang di ko kakayanin yun, kasi iilan lang ang mga live show’s na may fresh na mga bida. Yung sa Quiapo parang mga medyo nakakalinlang ang mga nasa pictures.

    Goodluck na lang sa resolutions, hehe.

  2. yatot says:

    wahahahhaha… para maiwasan ang prostate cancer! w00t, w00t!!! hahahaaa…. grabe… hindi ko kinaya! hahahhaa

  3. Anonymous says:

    tama nga na wag na
    magnew year resolution

    we love you the way you are
    pft

    hahaha
    happy new year!

    btw
    sa palagay ko
    prostrate cancer free ka

  4. David.Edward says:

    hahhaa.. at my mga ganyan ganyan ka pang nalalaman? ows.. ASA KA DUDE! hahhaa.. kung tutuparin mo yan..:p

  5. mr_d says:

    hinay-hinay lang din sa pagtambay sa banyo. baka matuyuan.

  6. Billycoy says:

    tannix > meron bang torohan na magaganda ang nasa eksena, o baka pwedeng ako na lang ang kasama dun sa umiikot na platform.

    david.edward > oo tutuparin ko yan, lalo na yung panghuli

    mr.d > hindi naman ako natutuyuan, sa kasulukuyan nga dugo na ang lumalabas.

  7. tannix says:

    Medyo mahal ang bayad kapag front row seats eh, saka lalo na yung may special participation from the audience, mas mahal din ang singil nila, hehe.

    Ipaubaya mo na lang sa pocket pussy ang pagtanggal sa prostate cancer mo, hehe.

  8. arnel says:

    hahahaha last statement the best. LOL.

    ang alam ko lang talagang gagawin mo yung nasa hulihan.

  9. Billycoy says:

    tannix > eh kung masarapan yung performer sa participant, may bayad pa kaya yun?

    regaluhan mo ako ng pocket pussy, yung brand new hindi yung gamit mo ngayon ha.

    arnel > lahat naman ng gumagawa ng new years resolution yun din ang ginagawa.

  10. paolomendoza says:

    Literally LOL’d at.. “Hindi na ako magiging mahalay, malibog na lang.”

  11. sherma says:

    Sabi na nga ba, eh, meron bang resolution na natutupad? hehehe…

    New Year’s resolution… kalokohan lang yun… sino ba nakaimbento nun?

    happy 2008 po! 😀

Give me reply and I'll give you a kiss

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 504 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: