No, Not Yet!

"Kung sino pa ang gwapo sila pa ang namamatay ng maaga"
-sabi ng isa sa aking ka-opisina tungkol sa pagkamatay ni Heath Ledger

Kagaya ni Rico Yan na pumanaw sa napakamurang edad. Siyempre akong naturally born gwapo, kanasa-nasa at katakam-takam na sex appeal infected sa sinabi niya. Hindi yata ako makakapayag doon lalo't napakabata ko pa at higit sa lahat… VIRGIN PA AKO! Hindi pa ako handang mamatay at iwanan ang mundong ibabaw. Marami pa akong hindi nagagawa sa aking buhay.

  1. Hindi pa ako nakakatikim ng sex.
  2. Hindi pa ako nahahalikan ng torrid.
  3. Hindi pa ako marunong mag-bike.
  4. Hindi pa ako marunong mag-drive.
  5. Hindi ko pa nasasayaw yung Crank That ni Soulja Boy.
  6. Hindi pa ako nakakasakay ng eroplano.
  7. Hindi ko pa nasasakop ang mundo.
  8. Presidente pa rin si PGMA.
  9. Wala pang solo single yung "My Brother" ni Renaldo Lapuz.
  10. HINDI PA AKO NAKAKATIKIM NG SEX.

Kaya hindi ko maaatim ang mamatay ng maaga. Dapat ma-accomplish ko muna ang mga dapat ma-accomplish. Pero palagay ko malayo pa namang mangyari yun. Bakit ko nasabi yun? Kasi masamang damo rin ako. Matagal mamatay ang masamang damo. At isa akong masamang damo, isa akong marijuana.

Sayang naman ang aking kagwapuhan kung papanaw din ako ng maaga, kaya hindi ako papayag. Susuhulan ko si kamatayan para hindi niya kagad kunin ang aking kaluluwa. Kailangan man lang ma-devirginate muna ako bago mangyari yun.

Payag ba kayong mamatay ng maaga ang isang napakagwapong katulad ko?

10 Replies to “No, Not Yet!”

  1. Can’t wait to see the new Batman movie… Heath is the new Joker…

    Ano ba ikinamatay nya? Drugs daw?

  2. Anonymous says:

    kagulat nga na patay na si heath.. ang galing pa man din niyang umarte, gwapo pa, kaso ayun nga, namatay na siya…

    ikaw na lang billycoy… pag-aralan mo na lang sigurong umarte sa harap ng camera, tutal gwapo ka naman. *yun ang sabi mo sa mga posts mo, na gwapo ka, hehe. pis.

  3. sherma says:

    akalain mong nakapag-update ka… hahaha!

    nagulat talaga ako nalaman kong patay na si heath. Parang pagkagulat ko nung nalaman kong buntis si jennylyn… hahaha!

    bagong bihis na ang aking blog… pero alam kong di ka makakabisita sa ngayon… =)

  4. ishmael ahab says:

    Oo papayag ako na mamatay na ang napakagwapo na katulad mo para ang mga less gwapo na tulad ko ay magiging napagwapo na sa buong mundo. 🙂 Biro lang.

    Dapat makitikim ka muna ng sex bago mamatay. Pa-devirginize na!

  5. napakalungkot at patay na si Heath Ledger.

    oo nga, sayang ang iyong natatanging kagwapuhan. sige humayo ka at magpakarami..hihi

  6. Saminella says:

    totoo ba ito? birhen ka pa?

    wow. akala ko ako na lang ang pwedeng ialay sa dragon para iligtas ang sangkatauhan.

  7. U.T.O.Y says:

    dear belekoy,

    kung meron mang tatlong guwapo na pipiliin pra matira sa mundo e malamang kasama mo ako dun. sayang nawala sa heath. dalwa na lang tuloy tayo.

    yaan mo bago ka muntik munitkan na din ang buhay ko siguro e ayaw pa ako ni Lord sa dormitoryo nya. next time siguro pag binulabog ko uli ang buhay ko.

    good boy,
    utoy

  8. ignoramous says:

    Sayang… Joker pa naman yung papel niya. Wag ka magalala Billy, alam ko eh mga virgin ang napupunta sa langit.

  9. palink naman.. hehe

  10. Ade says:

    Hey dude, have you read this already?

Give me reply and I'll give you a kiss

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 504 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: