The Volcano of my Butt

My Dearest Tummy,

Ano ba ang nangyayari sa iyo? Hindi na kita kayang ma-comprehend. Minsan okay ka, kadalasan naman hindi. Hindi ko na kayang tiisin hetong pinaggagawa mo sa aking napakalinamnam na katawan. Nagiging sagabal ka na sa aking normal life. Nagiging abnormal na ako dahil sa iyo. Kailan nga ba ako naging normal?

Hindi ko labis na maunawaan kung ano ang nagaganap sa iyo. Meron ka bang IBS (Irritable Bowel Syndrome) o malakas lang talaga ang topak mo? Aba! Ilang beses mo na kaya akong pinapahirapan. Minsan iuupo na kita sa aking throne, wala kang inilalabas. Pero kapag heto na at nakabihis at ready ng umalis, saka ka pa nagpaparamdam. Hindi ko rin malaman kung bakit kapag malamig ay heto at naghuhurumentado ka. Isa kang volcano sa aking puwet na may sumpong. Imbis na lava ang inululuwal mo sa iyong bunganga, ay isang mabahong taeng mala-frosty ng Wendy's ang iyong inilalabas. Minsan nga red at may bahid pa ng green.

Ano ba kasi ang problema mo? Pinapakain mo ba ako? Huwag ka namang ganyan. Epekto ba ito ng lenten season? O baka naman apektado ka rin sa election ng USA. Hindi naman kaya sa pagkakatanggal ni JDV bilang House soeaker.Hindi ko talaga mawari kung bakit ka ganyan sa akin ngayon. Mga nakaraang araw naman maayos ka at masaya tayong nagsasama.

Aba! Nakakailang balik na kaya ako sa banyo ngayon. Alam mo namang ayaw kong gumamit ng public CR. Pero hayan ka pa rin, kinukulit at pinepeste ang isang dapat ay napakagandang araw. Manahimik ka na lang pwede ba. Kung wala kang magagawang mabuti just shaddap!

Oh ano? Wag kang tatahimi-tahimik dyan. SUMAGOT KA! Magpaliwanag ka sa akin kung bakit ka ganyan?

Ay sige, wag ka na lang pala sumagot. Baka magpanic ako kapag nakarinig ako ng bitukang nagsasalita. Creepy!

Ang nagmamay-ari sa iyo,
Billycoy Dacuycuy
XOXO

6 Replies to “The Volcano of my Butt”

  1. Micaela says:

    akala ko ba sabi mo shaddap bakit ka ngayon nagdedemand ng sagot galing sa kanya? haha

    hello billycoy 😀 sana guminhawa na ang pakiramdam mo. sana matapos na LQ niyo hehe

  2. mahirap nga yang sitwasyon mo ngayon.. tsk tsk.. unawain mo na lang yang si tummy mo.. papasaan din at magkakaayos ulet kayo.. hehe

  3. yatot says:

    baka may rebolusyon na sa loob ng iyong tiyan… tsk tsk tsk… paghihimagsik ito!

  4. Virginia says:

    namimiss ko na ang madami mong posts! balita ko kay sherma, blocked ang blogger sa office niyo, how sad =( at todo post ka naman sa multiply, pero di kasi ako mahilig dun kaya di ko alam lol =)

  5. Poli says:

    Ang sosi naman ng sakit mo. Hehe.
    Sabi nila psychosomatic raw ang IBS.

    Tae, nakakatae naman ‘tong post mo na ‘to.

  6. Chris A. says:

    Ahoy!!!
    Kontra bulate ang solusyon sa iyong suliranin hehehe

    Astig ah Kombatron ang Profile photo.
    See you sa Pinoy Blogosphere.

Give me reply and I'll give you a kiss

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 504 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: