Ilang taon din akong nanahimik sa tuktok ng bundok ng Tibet. Doon ako nagmuni-muni at hinanap ang aking sarili. Sabbatical sabi ng mga alta. Soul searching ang sabi ng mga sawi…
Pero actually, hindi ko naman talaga ginawa yan. Wala ako sa Tibet. Ang totoo niyan, binuro ko lang ng ilang taon ang sarili ko sa pagtatrabaho sa office, pagseselfie pagbubuhat sa gym at pagpupuyat sa harap ng PS4 sa bahay. Kung dati mayroon akong silky smooth thick black wavy hair, wala na sila ngayon. Pwede na akong maging bituin sa inyong mga madidilim na gabi o kaya maging araw sa inyong maghapon. Kung noon tatlo lang ang abs ko, ngayon lima na sila; sina AJ, Kevin, Bryan, Nick at Howie.
Sabog pa rin ako. Not in the adik terms of sabog though. Sabog, as in kalat pa rin pag-iisip ko. Kaya nga Blasted Brain, di ba? Hanggang ngayon hinahanap ko pa rin ang mga piraso ng pagkatao ko.
Dahil 2017 na…
Subukan ko kayang maging fashion blogger. Bagong damit araw-araw! OOTD everyday! Pupunuin ko ang bahay namin ng sandamakmak na damit at sapatos, yung tipong pati lahat ng kwarto at ref namin damit na ang laman. Tapos kaming mga nakatira sa labas na lang ng bahay matutulog. At saka yung maglalaba pati luha niya gagamitin na ring panglaba ng damit sa dami ng labahin; yung halos magkaapo na siya hindi pa rin siya natatapos maglaba.
Kung food blogger na lang kaya? Lamon dito, lamon doon. Pero bago yan, mga isang oras na nakatunganga muna ang mga pagkain kasi kinukuhanan pa sila ng picture na pang-instagram. Tapos pag-aaralan ko mga food terms ng pagkain gaya ng mga salitang “exquisite” at tamang pronunciation ng Pinot Noir. Yung kahit ice cream dine-describe ko na “al dente.”
Eh maging travel blogger na lang? Biyahe kung saan-saang parte ng Pilipinas at abroad. Kahit mga eskinitang 1 foot lang ang space papasukin ko para makapag-travel lang. Umakyat ng bundok kahit hindi ko na maramdaman mga binti ko. Teka! Aabot ba ng 365 days ang vacation leave ko?! Travel na rin naman ang commute ko araw-araw to and fro Laguna di ba?
Beauty Men’s Grooming blog na lang kaya. Wala naman kailangan masyadong i-groom sa akin. Gwapo pa rin naman ako kahit anong gawin ko. Saka sa buhok ko wala na rin kailangang i-groom—kasi wala na nga sila!
Fitness blogging? TAMA! Para may excuse akong mai-showcase ang aking magandang hubog na hubad na katawan!
Maging event blogger! Copy-paste lang ng mga press release para hindi na mag-iisip ng content. BOOOOORING! Pero at least may mga loot bags at giveaways pagkatapos ng event. May supply na kami sa bahay! Yung mga sobra pwede pang ipangregalo sa mga kasal at binyag.
Kailangan ba talaga may category pa? Huwag na. Magpost na lang ng magpost kung anu-ano. Kesehodang mga mababantot na alaala o idea pa yan, isulat na lang. Papahirapan ko pa ba sarili ko. Wala naman akong fans na magbabasa nito. Meron lang akong followers.
Pero kung meron nga talaga, MARAMING-MARAMING SALAMAT SA INYO! Maraming salamat kahit ine-etchos ko lang kayo madalas. ?
Eto yun eh… “Yung kahit ice cream dine-describe ko na “al dente.”” Hahahaha 😀
Di ba? Kahit turon, al dente!
Ayun oh, nabuhey! Welcome back, you and your BSB abs?
Muling ibalik ang tamis ng blogging!