Kumusta? Akala mo siguro nakaligtaan na kita. Heto nga sumasakit na naman ulo ko pero pinilit ko pa ring sumulat sa’yo.
Hindi kita nakalimutan. Ang totoo nyan, marami lang pinagkakaabalahan; marami lang nasa isipan. How weird nga, kasi kaya ko ginawa itong blog para may mapaglalagyan ako ng mga utot nitong aking utak. Kailan ba ako huling nagsulat sa iyo ng regular? 2011? 2012? Ang tagal na di ba? Mga sumunod na taon, parang annual na lang ako nagsusulat sa’yo.
Maraming nangyari, pero sa akin nothing spectacular as usual. Wala pa ring jowa, like as if naghahanap naman ako. Boring at uneventful, kahit bago pa dumating itong pandemya. At lalo pang naging uneventful nitong parating nasa bahay na lang ako. Pero kahit boring, parang araw-araw may pangamba.
Kasi alam mo na, ang COVID nandyan pa rin. Ang hirap kumilos. Ang hirap gumalaw. Kahit pa kumpleto na ang bakuna ko at ng mga kasama ko dito sa bahay. Ang tanging labas ko lang kapag may kailangang bilhin ako sa grocery. Hindi pa nga ako nakakatuntong ng Metro Manila recently. Kahit nga sa boundary lang ng Laguna at Muntinlupa. Ano nga ba ang Metro Manila? Ano na ba hitsura ng mga gusali? Ano na nga ba ang amoy ng sariwang polusyon?
Pero kahit nasa bahay lang, parang mas nakakapagod ang buhay. Sakto lang naman ang dami ng trabaho. Nakakakain naman at nakakatulog pa ako ng maayos. Pero parang mas nakakapagod ngayon. Dahil ba iyon sa pangamba sa pandemya? Dahil sa araw-araw na laging masamang balita? Dahil ba parang obituaryo na minsan ang Facebook feed ko? O dahil sa part 5 nitong Money Heist?
Kung wala siguro itong pandemya, baka itong issue lang nina LJ Reyes at Paolo Contis lang ang pinoproblema ko. Or yung mga bills ng telepono at credit card. Or yung text ng tinotoyong jowa ng katabi ko sa jeep. Marami-rami pa rin pala silang iisipin ko, pero the point is, nothing in a grand scale na di ko kayang ma-control. Itong virus, hindi katulad ng kulangot na madaling bilugin at pitikin lang.
Itong virus, hindi katulad ng kulangot na madaling bilugin at pitikin lang.
Pero sana nga matapos na ito. Kung hindi man maging totally normal like 2019 or earlier, at least yung medyo makakahinga-hinga na tayo ng maayos. Nami-miss ko na ang ramen sa Yushoken, ang paglalamyerda ko sa mall kahit walang bibilhin, ang coffee date ko with my gorgeous yummy juicylicious self, manood sa sinehan, makapag-workout sa mga gym, at mabuhay na walang face mask—at lalo na ang putanginang face shield.
Matatapos rin ‘to. Matatapos rin ‘to. Nakakapagod, pero kayanin natin. Fighting!
Balitaan mo ako ha.