Regular na ba?

Hello! Di ba sabi ko susubukan kong magsulat sayo nang regular? Well, hindi pa rin ito yun. Hindi pa talaga ako sigurado. Baka inspired lang ako lately. Ewan. Sinisipag lang siguro ako. Baka fertile?

Kumusta? Kung nasaan ka man, sana mas malaya ka. Mas malawak ang iyong nagagalawan. As usual, lockdown pa rin kami dito. Naiba lang ang system na ginagamit nila sa Metro Manila ngayon. Sa katapusan naman matatapos itong MECQ chenelyn dito sa Laguna.

Bakit nga ba ako bumalik dito? Halos lahat ng mga kasabayan ko dito hindi na nagsibalikan. Pwede namang sa vlogging o kaya sa Tiktok na lang ako naghasik ng lagim. Pwede akong magmukbang habang nagpapahid ng skincare products, ASMR habang gumagawa ng mga dance challenge, gumawa ng baked sushi o dalgona coffee habang nag-iistream ng games o kaya ipodcast ang paghihilik ko.

Gusto ko mang subukan ang vlogging, pero kulang pa yata ang kapal ng mukha ko. Kung sa Tiktok ko nga, nandidiri ako sa mga ginagawa ko. Huwag na nating dagdagan ang ikasisira ng dangal ko—kung meron man. Saka ano naman ipapakita sa vlog ko? Day in the life? Ang hirap sa pagjebs kapag nakakain ng maanghang? Ang pagdedecide kung anong flavor ng milk tea ang oorderin ko?

Pero kung gusto ko mang maging vlogger, gusto ko sana tech vlog. Bilang napakahilig ko sa mga gadgets, big and small (hindi sex toys ha). Pero syempre, kung gusto ko ng gadgets kailangan kong gumastos. Eh ilang beses lang naman ako bumili ng mga gadgets sa isang taon. Kung ito gusto ko, baka apat na content lang magagawa ko sa isang taon. Tapos mag-eeffort pa ako sa editing para sa mga followers ko kung totoo mang nag-eexist sila. Pero sa mga gustong mag-sponsor sa akin, bekenemen? *wink wink*

Kaya sa pagsusulat na lang muna ako. Ang lakas kasi maka-inspire sa pagsusulat nitong RGB keyboard na nabili ko sa Lazada. Nagkakaroon tuloy ako ng content dito kahit walang kakwenta-kwenta naman itong nilalagay ko dito. Kung may nababasa ka man sa akin ngayon after a very long time, be thankful sa keyboard ko. Gusto ko lang talagang pakinggan ang pagtype dito sa keyboard ko.

Not a sponsored post pero sana nga sponsored

And bukod sa keyboard ko, natutuwa ako recently sa Clubhouse. Kasi kahit papaano may mga nakakausap pa rin ako, whether kagaguhan o may mga katuturan. After a year, may ibang boses na akong naririnig bukod sa mga kasama ko dito sa bahay at sa konsyensya ko na nag-uutos sa aking bumili ng Safeguard.

Marami na rin akong napasukang clubs dito sa Clubhouse. Nandyan ang Sari-sari, MAS, Eat Matters PH, etc. May clubs din kaming mga nasa Plurk pa (oo, buhay pa Plurk churamo!) at mga dati kong ka-opisina, na medyo nilalangaw pa at the moment. Pero itong isang club na lagi kong tinatambayan ay Barangay Jologs. Medyo nasasabayan ko kasi mga kalokohan ng group na ito. Meron ding podcast ang Barangay Jologs kung interesado ka sa kanila at sa Clubhouse.



Yun lang naman ang akin. Sa kabila ng mga ito, hindi pa rin tapos itong mga pinagdadaanan natin. Pero patuloy pa rin akong kumakapit kahit na tila minsan little pinky na lang ang natitirang nakasabit. Sana ikaw din patuloy ka pa ring kumapit. Matatapos din yan.

Kaya natin ‘to!

Give me reply and I'll give you a kiss

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 504 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: