Goodbye, Sugar

Hi! Nandito ulit ako, nangungumusta sa’yo. Sana nasa mabuting lagay ka ngayon.

Ako, heto, medyo nakaka-recover na sa kalungkutan. Nitong Biyernes kasi, namatay ang isang 3-month old na kuting namin na si Sugar. Hindi rin namin alam kung ano naging sakit niya kasi, bigla na lang nawalan na ng ganang uminom at kumain. Samantalang nu’ng isang araw malikot pa at nakipaglaro pa sa kapatid niya. Hindi na rin namin naidala sa veterinarian.

Iba kasi ang attachment namin kay Sugar. Sa mga naging alaga naming pusa, siya ang pinakamalambing at charming so far. Madaling tawaging at hindi mala-wangwang ng ambulansya ang meow kapag nanghihingi ng pagkain. Ang dali nga ring kargahin na parang sanggol sa aking mga braso. Isang beses ngang kinarga ko siya, umutot pa na may tunog. Sa kanya ko lang nalaman na umuutot din pala ang mga pusa. Pero nitong Biyernes ng umaga nu’ng kinarga ko siya, hindi na siya humihinga. Wala na si Sugar.

Masakit. Oo, masakit. Ganun naman talaga kapag mahal mo, masakit kapag wala na sila. Tao man iyan o alagang hayop. Minsan nga kahit alam mo na malapit na silang mawala sa buhay mo at kahit anong paghahanda, napakasakit pa rin kapag dumating na ang araw na iyon. Farewell is never easy no matter how you have prepared for it.

Farewell is never easy no matter how you have prepared for it.

Isa sa mga lessons sa pag-aalaga ng hayop ay ang pagpapaunawa kung ano talaga ang buhay. Hindi naman tayo imortal na katulad ni Enrile o diyos na hindi namamatay. Kasi kahit hayop lang sila, kapag itinuring na silang anak, kapatid o kaibigan ay halos kapareho sa tao din ang sakit kapag nawala na sila sa atin.

Marami na ring nawala sa akin. Itong pandemya, ang dami na nitong kinuha sa atin. Kung hindi man tayo, may mga kakilala tayong nawalan ng pamilya at malalapit sa kanilang buhay dahil sa COVID. Pero tumigil ba ang mga luha natin sa pag-alala sa kanila? Tumigil ba ang sakit sa kaiisip na hindi na sila babalik kailan man sa atin? Napagod ba tayo sa kaiiyak sa tuwing hihilingin na sana kapiling pa natin sila? Naging manhid ba tayo sa dami ng nawala ngayong pandemya?

Hindi.

Umiiyak pa rin tayo.

Nasasaktan pa rin tayo.


Pusa nga lang si Sugar at may iba pa sa buhay ko ang mas nararapat ipagluksa. Hindi nga dapat umabot pa sa ilang paragraphs para lang alalahanin ko ang isang namatay na three-month old kitten. Hindi dahil si Sugar lang ang ginawan ko ng ganito ay hindi na siya matutumbasan ng ibang nawala sa akin. Sa ibang nawala sa akin, the loss is too painful that I can’t form any words and all I can do is cry alone in my room. Siguro with Sugar, nakakaya ko pa.

Pasensya na kung malungkot ang sulat ko sa’yo ngayon. Tao lang din naman tayo. Hindi natin maiiwasan ang maging malungkot; ang masaktan. May mga panahon na kailangan nating umiyak, malumbay at magluksa. Hindi ka nag-iisa sa mga nararamdaman mo. Nandito rin ako, kapareho mong nasasaktan at may mga luhang tila laging nakaabang. Kapit lang tayo.

Salamat dahil nandyan ka pa rin ha. Sa uulitin!

Give me reply and I'll give you a kiss

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 504 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: