Nandito ulit ako. Nandyan ka rin pala!
Last Thursday, nabuhayan ako ng pag-asa. Itong pandemic kasi talagang ibinaon na sa ilalim ng earth’s mantle ang natitirang pag-asa ko. Yung akala kong malala na bago pa dumating itong COVID sa mundo, may ilalala pa pala. Noon akala ko ang social media ang magkakaisa sa atin, iyon pa pala ang magbubuklod sa atin. Pinalala pa ng trolls, disinformation, revisionism at ng mga dance challenges sa Tiktok kasi di ko naman sila masayaw.
Pero nitong Huwebes nga, nagkaroon ako ng pag-asa. Pag-asa na magkaroon tayo ng maayos na bukas. Pag-asa na maitama ang baluktot nating pananaw. Pag-asa na mapapanatag tayong muli sa kabila ng pandemya. Pag-asa na magre-reunite muli sina Susy at Geno Romnick at Sheryl Jolina at Marvin Maine at Alden.
Mahaba-haba pa rin naman ang laban, but still, nasilayan ko muli na may pagkakataon pang mapaganda ang kinabukasan ng bansa natin. Pero sana nga mangyari ito. Kahit sino man ang umupo dyan, basta totoong mababago nila ang mala-impyernong kinalalagyan natin ngayon. Sana lang please.
Kaya kapit lang, mukhang may chance ngang mabago ang lahat ng ito. Dasalan na natin lahat ng Diyos, santo, mga anito, BTS, si Madam Inutz, at sa mga celebrity crushes para matuloy na itong magandang pagbabago. I-manifest na. I-claim na natin sa universe.
Laban lang! Masarap lang talaga strawberry milkshake brings all the boys to the yard… and their like, it’s better than yours.