Ahmisyu

Uy, na-miss kita! Miss mo rin ba ako? Syempre hindi kita nakaligtaan ‘no.

Ang daming nakaka-miss na kaganapan bago dumating itong pandemic. Maraming nabago na baka for good na, pero sana kahit papaano maibalik natin ang ilan sa mga iyon. Medyo bumababa na cases ng COVID, at sana tumuloy-tuloy na nang sa gayon mabawasan ang anxiety natin sa crisis na ‘to.

Ano ba mga na-miss ko bukod sa’yo?

Ang lumakad sa labas na walang face masks at face shield. Hindi man nakaka-fresh ang hangin dito sa Metro Manila, nakaka-miss maglakad sa malls at sa labas na walang takip sa mukha. At lalong wala din ang nakakapesteng face shields. Lalo sa kagaya kong nagsasalamin, ang hassle na napakadaming nakasabit sa tenga ko. May mga pagkakataon pa na kailangang naka-double face masks. Though at least, hindi na tayo obligadong mag-toothbrush kung sakaling mabawang o masibuyas ang huling kinain bago makipag-usap.

Nakaka-miss ang sinehan. Nakapasok ako sa sinehan recently pero sa ibang purpose; ang magpabakuna sa second dose ko. May streaming naman kagaya ng Netflix, Apple TV+ at kung saan-saan pa, pero iba pa rin talaga ang experience sa loob ng sinehan. Laki ng screen pa lang ibang-iba na tapos sasamahan pa ng surround sound lalo kung Dolby Atmos pa ang sinehan. Kailan ko pa yatang ibenta ang buong organs ko para magkaroon ako ng ganoong setup na kaganda sa bahay.

Isa pang nakaka-miss ang aircon sa office. Kapag sa bahay kasi gumamit ng aircon, expect na ngangawa ang bulsa kapag dumating na ang MERALCO bill. Unlike sa office, magdamag ang aircon kahit pa magnyebe mga utong mo na hindi iisipin ang babayaran sa kuryente… Ang management lang.

Hindi rin mawawala ang mga papansit at cake sa opisina kapag may kaopisinang magbibirthday. At saka kung oorder man ng pagkain sa labas, okay lang kung para sa sarili lang at hindi kasama ang mga kaopisina.

Gustong-gusto ko na ring manood ng sine. Although papayagan na magbukas ang sinehan this November, nakakapangamba pa rin kasi hindi pa naman tuluyang nawawala talaga ang virus. Kahit pa may social distancing at face masks, nandyan pa rin ang takot dahil nasa loob ng kulob at malamig na lugar.

Pero marami din akong hindi nami-miss sa pre-pandemic world, kagaya ng rush hour traffic (na nangyayari din naman ngayon kahit noong mahigpit pa lockdown), mga punuang restaurants at coffee shops, mga kaagaw sa mga equipment sa gym, at mga katrabahong kumakain ng baon mo na walang paalam.

Pero ngayong may improvement na, huwag pa rin sana tayong makakalimot sa pag-iingat. Magsuot ng face masks, lagi pa ring maghugas ng kamay at dumistansya pa rin sa maraming tao hindi lang sa ex mo.

Ikaw ba, ano pa ang na-miss mo bukod sa akin?

Give me reply and I'll give you a kiss

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 509 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: