Wishlist 2021

Pasko na. Merry Christmas sa’yo dyan! Sana better ang Christmas holiday sa inyo ngayon this year. Medyo mas maluwag na ngayon, pero siyempre ingat-ingat pa rin kasi si Omicron, nagmamasid-masid lang. Sana rin kumpleto na rin ang bakuna mo at kasama na ang booster shot. Ako kasi sa February pa ang booster shot, unless may bagong guidelines.

Nakapag-shopping ka na ba ng mga panregalo mo? Kung hindi pa ako kasali sa listahan mo, bekenemen pwede akong isama dyan. Alam mo naman mga gusto ko, mga tech gadgets. Ewan ko ba, parang uhaw-uhaw ako sa bagong tech parati. Lalo kapag December, napakarami kong gustong bilhin, hindi naman ako tumatae ng ginto. Baka ikaw dyan tumatae ng ginto at pwede mo akong pagbigyan.

  • Pixel 6
    Mabilis pa naman itong phone ko at more than one year pa lang. Pero for some reason, gustong-gusto ko ito. Hindi nga lang kasi available locally dito ang mga Google products kaya hindi ko mabili. Baka lang naman. 🥺
  • iPad Mini or iPad Air 256gb
    Itong iPad ko kasi 32gb. Nakakabitin. Hindi man lang ako makapag-install ng games. Pangnood, pangbasa, at pang-browse ko lang tuloy sa social media.
  • Gaming laptop
    May laptop naman ako, pero pang-work at media naman primary purpose nu’n. Hindi ko naman kailangan pero kung mabibigyan, why not? Hindi ko tatanggihan.
  • Roomba/Robot vacuum
    Nakakatamad kasi minsan magwalis at mag-mop sa bahay. Paggising, isang pindot lang sa smartphone may maglilinis na ng sahig para sa akin.
  • Jowa
    Umaatikabong sexlife at pampainit sa malamig na panahon. Hindi sapat ang kumot lang. CHE!
  • Magparebond ng buhok
    Nangangarap na nga lang tayo, sagad-sagarin na natin.

Parang marami pa akong gustong ilagay sa wishlist pero hindi ko na sila maalala. Balikan kita kapag naalala ko. Kaya ba yan bago ang araw ng Pasko? Alam mo na, ang saya kasi mag-unwrap ng regalo sa araw ng Pasko. 😁

Give me reply and I'll give you a kiss

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 511 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: