Dasurv

Deserve mo ba ang bumiyahe ng dalawa hanggang apat na oras papunta at pabalik lang ng trabaho araw-araw? At sa mga transportasyong sinasakyan mo ay wala ring maayos na mauupuan at madalas nakatayo, nagsisiksikan at mainit pa. Deserve mo ba na kahit anong dilim ng madaling araw ka umaalis ng bahay ay halos ma-late ka pa rin pagdating mo sa trabaho? Deserve mo ba na kahit maaga kang nakakaalis ng opisina pauwi ay madadatnan mo nang tulog ang anak mo at mga kasama mo sa bahay? Deserve mo ba ito?

Deserve mo ba na kahit anong dami ng overtime mo pero ang kinikita mo ay hindi na halos makabili ng kahit galunggong man lang? Kahit ang extra rice sa mga fast food na aasahan mo sana para mabusog ka dahil sa kakarampot na ulam ay hindi mo na mabili. Ang dala mong limandaan para sa palengke ay iilang piraso ng gulay na lang ang kayang mabili; maswerte na lang kung may maisama ka pang isda o karne sa ganyang budget. Deserve mo ba na kahit anong tambak ng iyong trabaho ay wala ka nang naitatabi dahil sa dami din ng bills na kayang bayaran. Tapos kahit anong sipag at paghihirap mo sa trabaho, may mga taong tatawagin ka pa ring tamad at walang pangarap sa buhay. Deserve mo ba ito?

Deserve mo ba na ang sana nagagastos mo sa pagkain o pangdagdag sa bayad ng car loan ay napupunta na lang sa pang-gas ngayon? Deserve mo bang nakaiwas ka nga sa public transportation pero pinipiga naman ang bulsa tuwing dadaan ka ng gas station? Tapos dadaan ka pa sa expressway na may toll pero mata-traffic ka rin pala at papahirapan ka pa sa parking spot. O di kaya ang kinikita mo sana pamasada ay napupunta na lang din sa gas? Deserve mo ba ito?

Masipag ka naman at ginagawa ng maayos ang iyong trabaho. Ginagawa mo ang lahat para mabalanse ang oras para sa pamilya mo. Kung maaari nga lang na pumasok ka kahit na may nararamdaman ka ay gagawin mo para lang hindi ka makaltasan ng sweldo. Nagsusumikap ka araw-araw para may panggastos kayo, pero sa pagtapos ng araw magtataka ka kung bakit parang kulang pa rin ang kinikita mo. Parang hindi na umuusad ang buhay mo. Deserve mo ba yan?

Dahil ang deserve mo ay makapunta ng trabaho na matiwasay at may malinaw na pag-iisip. Deserve mo ang makauwi ng maaga at bigyang oras ang iyong pamilya. Deserve mo na makakain ng masarap na ulam pagkagaling sa nakapapagod na trabaho kasama ang pamilya mo. Deserve mo ang makapagbakasyon out of town para mag-unwind paminsan-minsan. Deserve mo na makapag-ipon para sa iyong retirement, kinabukasan ng pamilya mo at kahit pa sa sariling luho mo. Deserve mo ang magandang buhay kapalit ng kasipagan mo.

Itong nangyayari sa’yo sa bansa mo, ang palagiang nasa survival mode, deserve mo ba talaga ‘to?

Give me reply and I'll give you a kiss

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 520 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: