Eme lang!
Ang totoo kasi, I messed up with the files and codes in this blog. Nilalagyan ko lang naman ng SSL certificate, kung ano man yun. Alam mo yun? Hindi naman ako encoder o whatever pero alas-tres ng madaling araw I’m trying to figure out kung paano ko ba ire-restore itong blog ko. Kashungahan lang talaga. May sakit pa ako sa lagay na yan ha. Kaya heto, kulang rin tayo sa tulog. Konting kabig lang sa akin baka maihahambalos ko na ang cabinet namin. Sabi nga ni Juan Karlos, nakaka-putangina!
Ang dami ding stressors since last week which I can’t divulge publicly. Sana nga menu lang sa Jollibee ang pinoproblema ko.
If the path to what you want seems too easy, then you’re on the wrong path.
Monkey D. Luffy
Pero naisip ko, since nasa another big zero stage lang naman na ako ng aking buhay, might as well magsimula ng bago. Anyway, nakaka-cringe naman ang mga luma kong sinulat dito. Kahit ako nandidiri na nga minsan. Like eww, who you? Sino pa ba nagbabasa ng blogs ngayon? Hindi rin naman tayo kumikita dito. Subscribe na lang kayo sa OnlyFans ko.
Mature na nga ba? Ewan. Barubal pa rin naman ako. Magbardagulan na lang tayo dito.
Tingnan natin kung maibabalik pa ang mga lumang posts. Pero huwag na tayong umasa. Parang ABS-CBN lang na nawalan ng prangkisa. I’m still figuring out some stuff here. Pero one thing for sure ang hindi magbabago, ang pag-uutak kong macaroni.
So there, salamat sa pagdalaw… sa pagpadpad… sa pagdaan… O anumang rason kung paano ka nagawi dito. Bumalik ka na sa trabaho mo.