Eyspeysyal Post

Top 5ive

Posted on January 4, 2008

Matagal na akong naimibitahan ni Badoodles sa Project Lafftrip Laffapalooza. At dahil January na at malapit na naman ang Lovapalooza sa February kaya naisipan kong maki-join sa kaguluhang ito. Matagal din kasi akong nangilatis ng iba’t ibang blogs para iboto para dito. Saka may prizes kayang selepono, digital camera at 15,000 pesos, kaya kailangang sumali dito. Kaya ko ring magpa-contest ng ganito, kaso sakim ako at di namamahagi ng aking kayamanan; shellfish ika nga. Mas gusto ko ang nakakatanggap kaysaRead More

Don’t Lie to Me

Posted on December 14, 2007

Woah Nelly! Nakaka-199 posts na pala ako dito. So kung 199 ngayon, ang susunod 200 na. Sabagay, alanganin namang maging 201 kagad yun. Marunong naman akong magbilang kahit papaano, kahit hindi ako mahusay sa Math. At dahil, 199th post ko na, medyo eyspeysyal ang post ko. Marami na ring gumawa nito pero gagawin ko na rin para naman makilala niyo ng maigi ang inyong lingkod. TRUE or FALSE Panuto: Sagutan lang ang mga sumusunod ng True or False. Syempre TrueRead More

Blog Action Day: Let’s Clean Up Our Act

Posted on October 15, 2007

Modern na talaga ang panahon ngayon. Ang daming ipinagbago simula noong lumabas ako sa mundong ibabaw. Akala ko kasi noon hindi na magbabago ang damit noong 80’s na may mga shoulder pads at ang sandamakmak na spraynet sa bangs ng mga kababaihan noon. Dumating ang 90’s, nagbago ang lahat. Matapos akong magsawa kay Pong Pagong—na kamukha kapag may suot akong baseball cap—sa Batibot at sa kakalaro ng G.I. Joe, nauso naman ang mga loose shirts and pants, at pati angRead More

Simply Thanks

Posted on July 20, 2007

courtesy of: someecards.com Ako’y lubusang nagagalak at umabot na sa isang taon ang aking blog. Kaya naman lubus-lubusan akong nagpapasalamat sa lahat ng bumati nitong nakaraang blogiversary ko. Inilalaan ko ngayon ang post na ito sa pagpapasalamat. Una sa lahat, pinapasalamatan ko ang Billycoy Fans Club na kahit di pa nag-e-exist ngayon ay pinapasalamatan ko na sila in advance. Kung wala sila ay wala rin ako dito at kahit nandyan naman sila ay wala rin ako dahil nagwawala ako. NagpapasalamatRead More

Paper Post

Posted on July 18, 2007

Hindi mo nga naman akalain, pagkabilis-bilis talaga ng panahon. Nung kailan lang summer at nagpapakalunod ang marami sa mga beaches at pools, tapos ngayon bumubuhos na ang mga higanteng patak ng ulan sa ating mga bubungan at binabaha na ang ating mga kalsada. Tila kahapon lang ay nuknukan ako ng kamusmusan at ka-inosentehan tapos ngayon tila nag-uumapaw na ang aking kagwapuhan at kahalayan. Parang nung kailan lamang ay virgin ako ngunit sa kasamaang palad ay virgin pa rin ako asRead More

Scandals on Ice and in Videoke

Posted on June 10, 2007

Madaling araw na namang nakauwi ang alagad ko kanina. Gumala na naman sa MoA at nu’ng kinagabihan sa Malate at nagvideoke doon. Tinawagan kasi ako ni Henry Sy at may mga nagkakalat at nambubulabog daw doon sa MoA, lalo na doon sa Yellow Cab. Nagreport ang aking kanang kamay sa mga naganap na meetup sa MoA at heto ang kanyang mga natuklasan. Napatunayan ni Kevin ang kanyang impluwensya sa mga kabataang bloggers ngunit nabigo sa kanya dahil wala siyang dalangRead More

THE Day Arrived

Posted on May 16, 2007

Ang araw na ito ay napakahalaga para sa akin. Bukod na napakainit sa labas ngayon, Baclaran Day at nagdiriwang ang aming bayanan sa kapistahan ni Juan Nepomuceno, ay may iba pa akong ipinagdiriwang ngayon. Ipinagdiriwang ko ngayon ang aking ika-17… este 24 na kaarawan. Yap, you got it right, 24 na ako ngayong ika-16 ng Mayo. Since eyspeysyal nga ang araw na ito, ishe-share ko na lang ang ilang bagay tungkol sa araw na ito. The Origin of Billycoy GabiRead More

Gold Finger

Posted on May 14, 2007

Nakikita niyo po ang ngayon ang larawan ng isang mahalagang pangyayari sa ating bansa. Iyan ang imahe ng aking daliri. Hindi po yan kulangot dahil kulay blue po yan at hindi po kulay green o mabrown-brown ang nakikita niyo dyan o daliring pinang-finger sa kung saang lugar o kung saang man na iniisip niyo. Iyan po ang aking kuko na may indelible ink. Mahalagang araw po sa ating bayan ang naganap na ito, ang pambansang eleksyon. Eyspeysyal nga rin angRead More

Liquors on Eyeballs

Posted on April 29, 2007

Naparusahan ko na naman ang aking kanang kamay nitong Sabado ng umaga. Umuwi ba naman ng sheng-sheng ng bahay. At nalaman ko na naman kung anong kalokohan at kasiraan ang ginawa niya, kung kaya’t ako ay degraded at demoralized na naman. Kaya ngayon, gine-grate ko ang mga palad at talampakan niya parusa sa mga ginawa niya. Nagkaroon daw kasi ng blogger’s inuman session nitong nagdaang Friday night sa Dencio’s Metrowalk sa Ortigas. Dumalo sa nasabing inuman session sina Rens, Kevin,Read More

Firsts in 24 Hours

Posted on April 16, 2007

Ubervirgin pa talaga ako. Hindi lang naman ako sa popoy walang experience kundi sa napakarami pang bagay. Kung hindi niyo nalalaman isa po akong amazing home buddy. Hindi po ako homeboy dahil hindi naman po ako katulong at hindi rin si Boy Abunda, kaya ako ay isang home BUDDY. Nabasa niyo naman na siguro ang aking First Time, pero bukod dun, marami pa rin akong first time. Nitong nagdaang weekend dalawang first time ang naranasan ko. First Time sa GigNagtatrabahoRead More

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.


  1. Oo. Nakasurvive naman ako. Pero bitter lang ako kasi sila may one month supply ng chocolates. Ok lang walang jowa…

  2. Mabuhay ang mga single! Nagsurvive ka nga ba sa araw na pinaka-expected na magbitter bitteran tayong mga may lahi ng…


Subscribe through email (kung pangit layout ko)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 520 other subscribers

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com

%d bloggers like this: